Makikilala na ang koponang magiging kinatawan ng Pilipinas sa League of Legends: Wild Rift Men’s Division category ng paparating na 31st Southeast Asian Games na gaganapin sa Hanoi, Vietnam.

Matapos ang unang phase ng qualifier, magbabakbakan na ang walong koponan para sa pagkakataon na maging parte ng SIBOL, ang national esports team ng Pilipinas.

Narito ang mga impormasyong kailangan niyong malaman tungkol sa palaro.

Ano ang SIBOL Wild Rift National Team Selection Men’s Division?

Credit: Riot Games

Ang naturang paligsahan ay inorganisa ng Philippine Esports Organization (PeSO) para kilalanin ang magiging kinatawan ng bansa para sa susunod na SEA Games.

Binubuo ito ng walong koponan, pito ay mula sa open qualifier, habang ang isa naman ay directly invited.

Ang teams na kasali sa SIBOL Wild Rift National Team Selection Men’s Division

SIBOL Wild Rift National Team Selection Men's Division: Schedule, teams, scores, at saan mapapanood
Credit: SIBOL
TEAMPHASE
Fennel AdversityDirectly invited sa phase 2
Fervent EsportsNaka-qualify mula sa phase 1
GIGANaka-qualify mula sa phase 1
Liyab EsportsNaka-qualify mula sa phase 1
Kosa NostraNaka-qualify mula sa phase 1
Nigma GalaxyNaka-qualify mula sa phase 1
GrindSky EsportsNaka-qualify mula sa phase 1
LF AdoptionNaka-qualify mula sa phase 1

Schedule at scores ng SIBOL Wild Rift National Team Selection Men’s Division

Ginanap ang unang phase ng qualifiers noong ika-21 ng Enero. Ang ikalawang phase naman, kung saan makikilala ang national team para sa SIBOL Wild Rift Men’s division ay nakatakdang iraos simula ikalawa hanggang ika-isa hanggang ika-apat ng Pebrero.

Pebrero 1-2

Upper Bracket Round 1

TEAMSCORETEAM
Fennel Adversity1 – 2GIGA
Kosa Nostra1 – 2LF Adoption
Liyab Esports1 – 2Nigma Galaxy
GrindSky Esports2 – 0Fervent Esports

Lower Bracket Round 1

TEAMSCORETEAM
Fennel Adversity2 – 0Kosa Nostra
Liyab Esports2 – 0Fervent Esports

Upper Bracket Round 2

TEAMSCORETEAM
GIGA0 – 2LF Adoption
Nigma Galaxy0 – 2GrindSky Esports

Lower Bracket Round 2

TEAMSCORETEAM
Nigma Galaxy1 – 2Fennel Adversity
Liyab Esports2 – 1GIGA

Pebrero 3 (Upper Bracket Finals at Lower Bracket Semifinal)

TEAMSCORETEAM
LF Adoption2 – 0GrindSky Esports
Fennel Adversity2 – 1Liyab Esports

Pebrero 4 (Lower Bracket Final at Grand Final)

TEAMSCORETEAM
GrindSky Esports1 –2Fennel Adversity
LF Adoption3 -0Fennel Adversity

Format ng SIBOL Wild Rift National Team Selection Men’s Division

SIBOL Wild Rift National Team Selection Men's Division: Schedule, teams, scores, at saan mapapanood
Credit: SIBOL

Naka-seed ang walong koponan sa isang double-elimination bracket. Magsisimula sila lahat sa upper bracket kung saan ang lahat ng laban ay best-of-three, maliban sa grand final na best-of-five.

Ang mangingibabaw sa palaro ay tatanghalin bilang ang Philippine representative sa Wild Rift Men’s Division ng SEA Games.

Talent lineup ng SIBOL Wild Rift National Team Selection Men’s Division

SIBOL Wild Rift National Team Selection Men's Division: Schedule, teams, scores, at saan mapapanood
Credit: SIBOL

Ang mga sumusunod na Filipino talent ang magsasalaysaly sa nasabing paligsahan:

Saan mapapanood ang SIBOL Wild Rift National Team Selection Men’s Division

Ila-livestream sa Facebook page ng SIBOL ang mga laban sa national team selection simula sa upper bracket finals at lower bracket semifinals.


I-follow ang opisyal na Facebook page ng ONE Esports Philippines para sa karagdagang impormasyon tungkol sa SIBOL Wild Rift National Team Selection Men’s Division.

BASAHIN: SIBOL Wild Rift National Team Selection Women’s Division: Schedule, teams, scores, at saan mapapanood