Makikilala na ang koponang magiging kinatawan ng Pilipinas sa League of Legends: Wild Rift Women’s Division category ng paparating na 31st Southeast Asian Games na gaganapin sa Hanoi, Vietnam.
Matapos ang unang phase ng qualifier, magbabakbakan na ang limang koponan para sa pagkakataon na maging parte ng SIBOL, ang national esports team ng Pilipinas.
Narito ang mga impormasyong kailangan niyong malaman tungkol sa palaro.
Ano ang SIBOL Wild Rift National Team Selection Women’s Division?
Ang naturang paligsahan ay inorganisa ng Philippine Esports Organization (PeSO) para kilalanin ang magiging kinatawan ng bansa para sa Wild Rift Women’s Division discipline ng esports category sa susunod na SEA Games.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagkaroon ng Women’s division ang esports category ng nasabing bi-ennial sporting meet.
Ang teams na kasali sa SIBOL Wild Rift National Team Selection Women’s Division
TEAM | PHASE |
GGTY | Naka-qualify mula sa phase 1 |
Spica | Naka-qualify mula sa phase 1 |
SHOT PUNO | Naka-qualify mula sa phase 1 |
GrindSky Eris | Naka-qualify mula sa phase 1 |
AKANE’S D CASA LEE | Naka-qualify mula sa phase 1 |
Schedule at scores ng SIBOL Wild Rift National Team Selection Women’s Division
Gaganapin ang national team selection para sa women’s division ng Wild Rift simula ika-isa hanggang ika-apat ng Pebrero.
Pebrero 1-2
Upper Bracket Round 1
TEAM | SCORE | TEAM |
GGTY | FFW – FFL | SHOT PUNO |
Upper Bracket Round 2
TEAM | SCORE | TEAM |
AKANE’S D CASA LEE | FFL – FFW | GGTY |
GrindSky Eris | FFW – FFL | Spica |
Lower Bracket Round 1
TEAM | SCORE | TEAM |
Spica | FFW – FFL | SHOT PUNO |
Lower Bracket Round 2
TEAM | SCORE | TEAM |
AKANE’S D CASA LEE | FFL – FFW | Spica |
Pebrero 3 (Upper Bracket Finals)
TEAM | SCORE | TEAM |
GGTY | 1 – 2 | GrindSky Eris |
Pebrero 4 (Lower Bracket Final at Grand Final)
TEAM | SCORE | TEAM |
GGTY | 2 – 0 | Spica |
GrindSky Eris | 3 – 1 | GGTY |
Format ng SIBOL Wild Rift National Team Selection Women’s Division
Naka-seed ang limang na koponan sa isang double-elimination bracket. Magsisimula sila lahat sa upper bracket kung saan ang lahat ng laban ay best-of-three, maliban sa grand final na best-of-five.
Ang mangingibabaw na koponan sa palaro ay tatanghalin bilang ang Philippine representative sa Wild Rift Women’s Division ng SEA Games.
Talent lineup ng SIBOL Wild Rift National Team Selection Women’s Division
Ang mga sumusunod na Filipino talent ang magsasalaysaly sa nasabing paligsahan:
Saan mapapanood ang SIBOL Wild Rift National Team Selection Women’s Division
Ila-livestream sa Facebook page ng SIBOL ang mga laban sa national team selection simula sa upper bracket final.
I-follow ang opisyal na Facebook page ng ONE Esports Philippines para sa karagdagang impormasyon tungkol sa SIBOL Wild Rift National Team Selection Women’s Division.
BASAHIN: SIBOL Wild Rift National Team Selection Men’s Division: Schedule, teams, scores, at saan mapapanood