Si Corki ay isang sikat na champion sa mid lane sa League of Legends: Wild Rift maging sa PC version pero magkaiba ang build para sa kanya sa dalawang laro lalo na pagdating sa mga rune, item at item upgrade.
Ang komprehensibong Corki guide na ‘to mula kay professional mid laner Eric “Exosen” Gubatan ng Liyab Esports, na may kasama pang mga kontribusyon galing kay LYB coach Edriane “Eds” Balbalosa, ay tutulungan kayong lumakas sa paggamit ng Daring Bombraider.
Dahil si Corki ay isang hyper-carry na kayang bumuhat mag-isa, magandang pandagdag siya sa inyong champion pool.
Runes para kay Corki
- Conqueror
- Brutal
- Bone Plating
- Sweet Tooth
Ipinaliwanag ni Exosen na sakto ang Conqueror sa pag-stack ng damage ni Corki habang ang Brutal naman ay dinadagdagan ang kanyang armor at magic resist penetration.
Ang huling dalawa ay mga life-saving rune. Natutuwa si Exosen kung paano nakakatulong ang Bone Plating at Sweet Tooth sa laning phase na napakahalaga para sa isang Corki.
Kung maganda ang laning phase mo, mas mataas ang tsansa na manalo kayo. Pero ‘pag hindi naman, naniniwala si Exosen na 50% lang ang tsansa niyo.
Depende sa kalaban sa lane, binabago ni Exosen ang kanyang rune choices. Kapag ang kalaban ay heavy poke team composition na may Ziggs, Senna o kaya Braum, pinapalitan niya ng Fleet Footwork ang Conqueror at Second Wind naman imbes na Bone Plating para sa extra sustain.
Summoner Spells para kay Corki
- Flash
- Barrier
Flash at Barrier ang top choices ni Exosen pagdating sa Summoner Spells. Naniniwala siyang hindi na kailangan pa ni Corki ng damage rune tulad ng Ignite dahil isa siyang marksman na may high damage output. Kaya naman naglalagay siya ng karagdagang survivability Summoner Spell na Barrier.
Item build kay Corki
- Manamune
- Trinity Force
- Infinity Edge
- Serylda’s Grudge
- Solari Chargeblade
- Gluttonous Greaves (Boots)
Nakikita ni Exosen na ang traditional build para kay Corki ang pinaka-epektibo dahil nakukuha nito ang kanyang power spikes.
Una na rito ang Manamune. Magastos sa mana si Corki dahil isa siyang spell-casting marksman. Tinutulungan siya ng Manamune na mapataas ang kanyang mana pool at makakuha ng Attack Damage.
Ikalawa ang Trinity Force na nakakatulong kay Corki na makapag-burst down ng mga kalabang champion. Pagtapos nito ay bumibili naman si Exosen ng Infinity Edge dahil si Corki ay nagpapakawala ng hybrid na AP at AD damage kaya swak lang na mag-build sa kanya ng parehong AD at AP items.
Panghuli, pinunto ni Exosen ang pagkuha ng Serylda’s Grudge at Solari Chargeblade, ilan sa mga bagong item na nilabas sa Wild Rift patch 2.4.
Pagdating naman sa Boots enhancement, pinipili niya muna ang Glutonnous Greaves bago ito i-upgrade sa Stasis o Quicksilver enchantment depende sa sitwasyon.
Sa mga partikular na pagkakataon, halimbawa na lang kung ang comp ng kalaban ay merong high dive potential na kayang mapatay agad ang isang Corki o kaya dehado sila, pinapalit ni Exosen ang Phantom Dance o kaya Guardian Angel sa isa sa kanyang mga item para sa survivability. Kasi nga naman, hindi ka makakapag-deal ng damage kapag patay na ang champion mo.
Ability combos ni Corki
Basic combo
- (3) Gatling Gun
- Auto attack
- (Ult) Missile Barrage
- Auto attack
- (1) Phosphorus Bomb
- Auto attack
Inirerekomenda ni Exosen na magsimula gamit ang Gatling Gun na susundan ng Missile Barrage sabay Phosphorus Bomb at gumamit ng auto attack sa pagitan ng bawat ability.
Sinabi niya rin na dapat niyo lang gamitin ang (2) Valkyrie kapag kayo ay aatras o ‘di kaya’y manghahabol ng kalaban. Tandaan rin na sulitin ang damage mula sa Trinity Force.
Dagdag pa niya, kapag nakikipag-trade at nakikipaglaban para sa mas magandang posisyon sa mapa, gamitin niyo ang Missile Barrage at Phosphorus Bomb para i-poke paalis ang mga kalaban.
Advanced combo ni Corki
Pwede niyong gamitin ang The Package sa paghati ng battlefield, pag-engage o pagsimula ng isang team fight. Bonus ito lalo na kapag meron kayong Galio sa inyong koponan.
Kapag magkakaroon ng clash malapit sa isang objective, nirerekomenda ni Exosen na mag-all-in gamit ang The Package sabay kalas gamit ang Valkyrie.
Corki gameplay
Early game
Ang goal dito ay mag-scale kaya dapat siguruhing ‘di kayo mamamatay sa lane at mag-focus muna sa pagfa-farm para makabili agad ng items.
Mid game
Scaling pa rin ang pangunahing objective sa mid game sabi ni Exosen. Kapag nakakuha na kayo ng dalawa o tatlong items, kaya niyo nang mang-poke ng kalaban pero kailangan pa rin maging alisto sa kanilang pagposisyon.
Malaki ang tsansa na mag-dive ang kalaban at subukang patayin kayo lalo na ‘pag wala kayong map awareness.
Late game
Sabi ni Exosen, dapat lagi niyong gamitin ang mga skill sa pag-check ng bush dahil ang role ni Corki ay tumataas sa late game lalo na’t siya nga ang hyper-carry ng koponan. Laging maging alisto sa inyong positioning at laging magpasama sa mga kakampi.
Naniniwala si Exosen na ang galing ng isang Corki player ay nakikita sa paggamit niya ng The Package kapag kukuha ng key objectives. Dapat matulungan niyo ang inyong sarili at mga kakampi gamit ang magandang positioning at matinik na paggamit ng abilities.
Sa mga team fight naman, idiniin ni Exosen na ‘wag na ‘wag niyong hahabulin ang backline ng kalaban. Laging mag-execute ng front to back strategy dahil kayang-kaya ni Corki tumunaw ng mga tank. Kung ang kalaban ay may poke comp, mag-focus sa pag-iwas sa mga skill shots.
Tips & tricks sa paglalaro ng Corki
Combos at threats
Ayon kay Exosesn, si Nami at Braum ang mga champion na magandang itambal kay Corki. Dapat maging maingat naman kapag may mga assassin tulad nila Akali, Zed at Yasuo sa kalaban. Kaya nirerekomenda niya na mag-build ng Stasis o Quicksilver boots enchantments at i-prioritize ang survivability sa mga ganitong sitwasyon.
Ang best advice ni Coach Eds ‘pag naglalaro ng Corki
Sinabi ni coach Eds na ang pagkakaroon ng map awareness ang isa sa pinakamagndang skills na pwede niyong makuha. Kapag meron kayo nito, kayang-kaya niyong magawa ang mga play kay Corki.
Nirerekomenda rin ni coach Eds na pangalagaan niyo ang inyong ang mental health kapag nagpapataas ng rank lalo na kapag nakakaranas kayo ng lose streak. Sinasabi niya ‘to mula sa experience. Kahit na gustong-gusto niya mag-rank up, alam niya na minsan ay nati-tilt din siya.
Minsan ang pinakamagandang gawin para sa iyong sarili ay magpahinga nang 15 hanggang 30 minuto bago mag-grind ulit ayon kay coach Eds.
Ito ay pagsasalin sa Filipino ng akdang ito.