Magbunyi ang mga support main dahil narito ang League of Legends: Wild Rift patch 2.4b para i-buff ang dalawa sa mga paborito niyong champion, si Thresh at Rakan!
Sa champion design pa lang, si Thresh ay dati nang staple champion sa pro play pagdating sa PC at ngayon sa mobile. Swak siya sa kahit anong meta dahil na rin sa isa siyang high-skill capped na champion.
Parehas ang saysay ni Rakan kay Thresh pero siyempre magkaiba kung paano sila nag-e-engage at naghahanap ng mga pick. Kapag ginamit ang kanyang The Quickness, nangangahulugan ito na kailangang mag-commit sa team fight.
Mga buff kay Thresh sa Wild Rift patch 2.4b
Base Stats
- Base health dinagdagan mula 570 patungong 610
- Base health regen dinagdagan mula 7.5 patungong 11
(P) Damnation
- Base soul drop rate dinagdagan mula 33% patungong 40%; bad luck protection hindi binago
(2) Dark Passage
- Shield strength dinagdagan mula 55/110/165/220 patungong 65/115/165/215
(3) Flay
- Passive charge time binawasan mula 10s patungong 6s
Malamang ay napansin ng mga support main na madalas nagpapataas ng kanila mastery kay Thresh na ang kanyang soul drop rate ay mababa. Dahil dito, dinagdagan ito ng Riot Games patungong 40% kaya naman mas marami nang armor at AP ang makukuha ngayong Wild Rift patch 2.4b.
Ang passive ng Flay ay binibigyan si Thresh ng bonus magic damage sa kanyang normal attack. Malaking bagay ang apat na segundong natanggal sa charge time nito at paniguradong matutuwa ang mga Thresh main sa paghampas ng mga kalaban.
Sa patch 2.4a pa lamang, ni-rate ng Wild Rift caster at content creator na si Ceirnan “Excoundrel” Lowe si Thresh na A+ tier sa mga support champion. “In the right hands, landing hooks consistently, Thresh can feel really, really powerful,” wika niya.
Pero dahil sa mga ability at base health buff na natanggap ni Thresh sa Wild Rift patch 2.4b na ginawa siyang mas makunat at kayang makipagsabayan sa mga enchanter, paniguradong S-tier na siya ngayon.
Mga buff kay Rakan sa Wild Rift patch 2.4b
(2) Grand Entrance
- Base damage dinagdagan mula 70/140/210/280 patungong 80/150/2
(3) Battle Dance
- Bonus shield amount kapag ginamit kay Xayah binawasan mula 200% pababa sa 125%
(Ult) The Quickness
- Movement speed dinagdagan mula 50% patungong 60%
Malakas na si Rakan sa kasalukuyang support meta lalo na kapag pinares kay Xayah. Nga lamang, malaki ang pinalong nerf sa kanyang Battle Dance sa Wild Rift patch 2.4b.
Para mabalanse ito, dinagdagan ng Riot ang base damage ng kanyang Grand Entrance nang 10 sa lahat ng level at pinalakas din ang kanyang initiating power sa pamamagitan ng pagpapataas ng movement speed sa kanyang The Quickness.
Nangangahulugan ito na kapag naitama ni Rakan ang lahat ng kanyang spell, mas matindi na ang magiging epekto niya sa mga kalaban. Kapansin-pansin din na mas madali na nang bahagya ang paghuli sa mga mispositioned champion sa mapa.
Maging updated sa mga pinakabagong balita tungkol sa Wild Rift dito sa official page ng Riot Games.
Base ito sa orihinal na akdang ito.