Gumugulong na sa ngayon ang Wild Rift Horizon Cup 2021, ang crowning event ngayong taon ng naturang mobile MOBA esports title ng Riot Games.

Pwedeng asahan ng fans ang mga nagbabagang bakbakan sa kauna-unahang global tournament ng Wild Rift na tinipon sa iisang arena ang 10 pinakamalalakas na koponan sa buong mundo.

Bagamat lahat naman ay karapat-dapat na tumapak sa international stage, may iilan na talagang kakaiba at handang pagharian ang prestihiyosong torneo.


Fan favorites na SBTC at ThunderTalk kasama sa 5 teams na dapat bantayan sa Horizon Cup

Isa ang SBTC Esports sa 5 teams na dapat bantayan sa Horizon Cup
Credit: Riot Games

Fresh pa mula sa kanilang pagkapanalo sa SEA Championship 2021, isa sa mga paboritong magwagi sa Horizon Cup ang SBTC Esports.

Ang koponan mula sa Vietnam ay tinatampok ang isang stacked lineup ng role players kaya naman mahirap hulaan ang pagpapalit-palit nila ng roster sa mga laro.

Ang kanilang bot lane ay tahanan para sa kanilang Thresh god na si support player Hồ “Akeno” Trung Hậu. Dapat bantayang mabuti ng mga kalaban ang nakamamatay na Death Sentence hook ni Akeno.

Credit: ThunderTalk Gaming

Sa pangalan pa lang, maihahalintulad na sa pwersa ng kalikasan ang dala ng ThunderTalk Gaming ng China.

Sa kabila ng kanilang 3-0 pagkatalo sa kamay ng Oh My God sa LPL Qualifier uper bracket, hindi nawalan ng pag-asa ang ThunderTalk. Bumawi sila nang mas malakas sa grand finals sa pamamagitan ng 4-0 sweep para masungkit ang kanilang slot sa Horizon Cup.

Para malaman kung anong tatlong koponan ang kasama sa 5 teams na dapat bantayan sa Horizon Cup, panoorin ang video sa ibaba:

Sundan ang Facebook page ng ONE Esports Philippines para sa mga balita tungkol sa Horizon Cup maging sa kabuuan ng Wild Rift esports scene.


Base ito sa orihinal na artikulo ni Joseph “Jagwar” Asuncion ng ONE Esports.