Marami ang naghanap sa Wild Rift roster ng Team Secret nang ianunsyo ng SIBOL na tanging Fennel Adversity lang ang directly invited sa ikalawang phase ng national team selection para sa 31st Southeast Asian Games.
Karapat-dapat nga lang naman kasi na maimbintihan ang koponan lalo na’t napatunayan nila sa Horizon Cup 2021, ang kauna-unahang global tournament ng Wild Rift, na isa sila sa pinakamalakas na koponan sa buong mundo matapos nilang tapusin ang kanilang kampanya sa 3rd-4th place.
Ilang araw matapos kilalanin ang LF Adoption bilang parte ng SIBOL Wild Rift Men’s Division, kinlaro ni Team Secret CEO John Yao kung bakit pinili nilang hindi na lang sumali sa naturang palaro.
Team Secret CEO ipinaliwanag kung bakit wala ang Team Secret sa SEA Games
Sa isang video, itinurong dahilan ni Yao ang pagtingin ng komunidad sa esports category ng naturang biennial multi-sport event. ‘Di naman daw kasi maituturing na kampeon ng rehiyon ang magtatagumpay sa SEA Games.
“It’s very hard to assign legitimacy to them (SEA Games) from a community standpoint. Like if you win SEA Games, you’re not seen as the Southeast Asian champion. Maybe the people who run it will say, ‘yeah, you’re the Southeast Asia champion,’ but that’s not how the fans and the community see it,” paliwanag ni Yao.
Dagdag niya, may mga turneo, liga, at circuit nang nakatalaga para makoronahan ang pinakamalakas na koponan sa rehiyon at parte na sila ng mga ito. Bukod pa dito, factor din umano ang prioritization at schedule.
“If SEA Games doesn’t clash with the… official tournament circuit, then we would play it. But if it clashes in any way and interferes with the training for the normal tournament circuit, the actual SEA championship, and for Worlds, essentially for all these games, that takes priority over SEA Games,” diin niya.
Ginanap ang ikalawang phase ng SIBOL national team selection para sa men’s division ng Wild Rift noong ika-isa hanggang ika-apat ng Pebrero. Ang mismong SEA Games naman, na gaganapin sa Hanoi, Vietnam, ay nakatakdang iraos simula ika-12 hanggang ika-23 ng Mayo.
Sa kabilang banda, tatakbo ang Wild Rift Championship Southeast Asia 2022 – Philippines, kung saan directly invited ang Team Secret, sa ika-25 ng Pebrero hanggang sa ika-10 ng Abril. Wala pang opisyal na anunsyo sa petsa ng WCS Championship.
Samantala, ibinahagi rin ng kapitan ng koponan na si James “Hamez” Santos ang kasalukuyang estado ng kanilang koponan sa parehong video. Naghahanap daw sila ng sixth-man, kasunod ng paglisan ni Morris “Code” Raymundo, pati na rin coach at analyst.
Mapapanood ang buong video dito:
Para sa karagdagang balita, guides, at features tungkol sa Wild Rift, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
BASAHIN: GrindSky Eris nagwagi sa SIBOL 2022 Wild Rift women’s division qualifiers