11 koponan, pero apat lang ang makaka-abante sa susunod na turneo — alin sa mga pinakamalalakas na koponan ng Southeast Asian at mga karatig na rehiyon ang mangingibabaw?

Tampok sa Wild Rift Champions Southeast Asia Finals 2022 (WCS Finals 2022) ang pambato ng Vietnam, Philippines, Thailand, Taiwan, Malaysia, Singapore, at Australia para makilala ang magiging kinatawan ng SEA sa unang Icons Global Championship na gaganapin ngayong taon.

Bukod sa US$200,000 na prize pool, paglalaban-labanan din ng mga kalahok ang pagkakataong makatapak sa mas malaking entablado.

Narito ang lahat ng kailangan niyong malaman tungkol sa WCS Finals 2022, kasama ang schedule, format, mga koponan, at saan mapapanood ang turneo.

WCS Finals 2022 schedule

WCS Finals 2022: Wild Rift schedule, format, mga koponan, at saan mapapanood
Credit: Riot Games

Dalawang linggo tatakbo ang turneo, simula ika-23 ng Abril hanggang sa ikawalo ng Mayo. Narito ang overview ng WCS Finals 2022 schedule:

STAGESCHEDULE
Play-insApril 23 – 25
PlayoffsApril 26 – 27, April 29 – May 1, May 6 – 7
FinalsMay 8

Noong ika-22 ng Abril, inanunsyo ng Riot Games na tatlong araw na ang play-ins para sa WCS 2022 finals.

WCS Finals 2022 format

WCS Finals 2022: Wild Rift schedule, format, mga koponan, at saan mapapanood
Credit: Riot Games

Lahat ng mga koponang nagtapos sa ikalawang puwesto sa WCS Masters, Philippines, Thailand and Vietnam, at ang kampeon ng WR Oceania Championship ay haharap sa single round-robin ng Play-In stage. Lahat ng serye ay best-of-two. Ang koponang mangingibabaw dito ay aabante sa Playoffs, habang ang second at third placers naman ay sasabak sa best-of-five para sa huling Playoffs spot.

Sa Playoffs, haharap ang dalawang koponan mula sa Play-Ins sa anim na kampeon ng WR Champions SEA sub-regional sa double elimination format. Lahat ng laro ay best-of-five, puwera sa lower bracket finals at grand finals na best-of-seven.

Ang top four teams ay makakaselyo ng slots para sa Wild Rift Icons Global Championship na gaganapin sa Europe ngayong taon.

Mga koponang kalahok sa WCS Finals 2022

WCS Finals 2022: Wild Rift schedule, format, mga koponan, at saan mapapanood
Credit: Riot Games
POOLKOPONAN
Playoffs direct entrantsTeam Flash
RRQ
Buriram United Esports
Flash Wolves
Persis Esports
SEM9
Play-ins direct entrantsCERBERUS Esports
FENNEL Adversity
EVOS Esports TH
ONE Team
Smash Logic Gaming

Saan mapapanood ang WCS Finals 2022

WCS Finals 2022: Wild Rift schedule, format, mga koponan, at saan mapapanood
Credit: Riot Games

Ang Wild Rift Champions SEA Finals 2022 ay ipapalabas nang live sa mga sumusunod na channels at lenggwahe:

LENGGWAHECHANNELS
EnglishTwitch
YouTube
FilipinoFacebook
PPGL Facebook
Bahasa IndonesiaTwitch
YouTube
Facebook
Bahasa MalaysiaTwitch
Facebook
MandarinTwitch
Facebook
VietnameseYouTube
Facebook (esports)
Facebook
ThaiTwitch
ESL YouTube
Facebook