Patuloy ang paglawak ng Wild Rift sa buong mundo sa pagbubukas ng mga bagong tournament sa Middle East, North America, Europe, CIS at Turkey.

Magsisimula na ang Wild Rift Origin Series qualifiers ngayong Hunyo tampok ang dalawang buwan na Wild Rift action sa mga bagong regions.

Format, iskedyul at mga premyo sa Wild Rift Origin Series

Patuloy ang pagtanggap ng mga teams na gustong makilahok sa Origin Series. Sa huling bilang noong June 1, 400 teams na ang nakarehistro at handa ng makibalagbag sa Origin Series.

Magaganap ang monthly qualifiers kung saan ang top 16 na kupunan mula sa mga qualifier group ang magsasalpukan sa monthly finals.

Double-elimination ang format ng monthly finals kung saan mag-aadvance ang panalo sa best-of-three.

Aarangkada ang Origin Series mula June hanggang August 2021 at gaganapin naman ang Grand Finals sa September.

Offline ang grand finals na ito kung saan paglalabanan ng mga top teams ang championship at ang tumataginting na US$350,000.

Nandito rin ang inyong paboritong LOL casters

Inilabas ng LEC ang mga trailers para sa Wild Rift Origin Series kung saan tampok ang mga pinakasikat na broadcast talents tulad nina Eefje “Sjokz” Depoortere, Aaron “Medic” Chamberlain, Christy “Ender” Frierson, at Daniel Drakos.

Sa unang trailer, tema ang pagsubok ng mga talent na maging propesyunal na team ng Wild Rift.

“I couldn’t make it on the big screen, not even playoffs, so it’s time to make it on the small screen,” banggit ni former pro player turned LEC analyst Marc “Caedrel” Robert Lamont sa bidyo.

Sa pangalawang bidyo naman, sinubukang mag-coach ni LEC shoutcaster Trevor “Quickshot” Henry sa kanyang all-caster na roster.

Saan ito mapapanood?

Wala pang inilabas na schedules para sa Wild Rift Origin Series.

Gayunpaman, may inihanda ng dedicated Twitch channel para dito.

Maging up to date sa Origin Series sa pamamagitan ng pag-follow sa YouTubeInstagramFacebook, at Twitter ng Wild Rift!