Pwede na ngayong gawing jungle si Fizz sabi ng Riot Games. Gaya ng ginagawang adjustments ng Riot sa mga champions sa League of Legends PC, mas pinalakas na ang damage ni Fizz sa neutral monsters kaya naman pinakabago ang hero sa listahan ng mga junglers sa Wild Rift.
Mga adjustment kay Fizz sa Wild Rift patch 2.3
Second ability – Seastone Trident
- Passive damage over time now deals 200% damage to neutral monsters
Third ability – Playful / Trickster
- Mana cost decreased from 95/100/105/110 to 85/90/95/100
- Cooldown decreased from 16/14/12/10s to 15.5/13.5/11.5/9.5s
- Base Damage increased from 70/140/210/280 to 85/150/215/280
Ano bang ibig sabihn nito para sa jungle Fizz at mid lane Fizz?
Sa Wild Rift patch 2.2, matatandaang pinataas na din ang base mana regen ni Fizz. Tamang-tama ito sa binawasang mana cost ng kanyang Playful / Trickster na isang magandang wave clear skill.
Kasama nito, pinataas din ang early game damage ng Playful / Trickster ng 15, gayundin ang pagbawas ng 0.5 segundo sa cooldown ng ability. Kaya naman mas madulas ngayon ang mid lane Fizz.
Matikas din ang jungle Fizz dahil sa buff na 200% damage ng Seastone Trident sa neutral monsters.
Ang bentahe ng jungle Fizz ay binubuksan nya ang iba’t-ibang team compositions. Sa ngayon, pinakamalaki ang impact ng AD junglers na sina Lee Sin at Rengar. Bukod sa kanila, sina Olaf, Wukong, Camille at Jarvan ay mga malalakas ding picks.
Natatangi si Evelynn na isa pang pwedeng AP na jungler sa laro. Layunin na baguhin ng Wild Rift patch 2.3 ito. Sa pagkuha ng Ap jungler, lalakas ang mid lane dahil sa opsyon na kumuha ng mga AD champions katulad ng mga assasins at marksmen na tulad ni Lucian.
Depende sa gaano niya kabilis ma-clear ang wave, mukhang ang jungle Fizz ang pinakamagaling na AP assassin kasunod ni Evelyn.
I-click ang link na ito para mabasa ng buo ang Wild Rift patch 2.3 patch notes.