Patuloy ang pagdami ng players at fans Wild Rift at patuloy din ang pagdami ng naghahangad na magdagdag ng ban system ang Riot games sa sikat mobile game, tulad ng mayroon sa PC version nito na League of Legends.

Mawawakasan na yata ang pag-awit ng madami dahil sa mataas ang tiyansang maisasakatuparan na ang ban system sa susunod na patch.


Kinumpirma ng Riot Games ang Ban System sa Wild Rift

Isang miyembro ng development team ng Wild Rift ang nagkomento sa isang Reddit post tunkol sa champion ban system ng mobile game.

“The Wild Rift ban system will be introduced in the next patch. Each team will be able to ban three champions in total” ani ng Product Manager ng kumpanya na si Kristoffer “Riot Soundwave” Touborg.

Plano ng mga developers na iangat ang bilang ng bans sa lima sa mga susunod pang updates.

Screenshot ni Vu Long/ONE Esports

Tampok sa ipapatupad na ban system sa Wild Rift ang kapabilidad na mag-signal sa mga miyembro ng kupunan kung sino ang mga champion na gusto mong laruin para hindi ito ma-ban out.


Bakit ngayon lang ang Ban System sa Wild Rift?

Credit: Riot Games

Matapos ang unang ranked season ng mobile game, matiyagang naghintay ang players at fans ng laro para ilatag ng Riot games ang ban system ng Wild Rift.

Gayunpaman, ipinaliwanag ng developers na prayoridad nila ang position select feature at palawakin ang champion pool bago ipatupad ang nasabing Sistema.

“Bans have a few things that are pretty tricky to solve,” banggit ni Riot Soundwave. “The banning system depends a lot on the number of champions that Wild Rift has at the moment.”

Kung mapa-aga ang pagdagdag ng ban system sa Wild Rift, mataas ang tiyansa na magkaroon ng imbalance sa meta na makakaapekto din sa player experience. Matatandaang mayroon lamang na 36 total champions ang sumisikat na laro noong ito ay nasa alpha test stage.

Pagkatapos ng matagal na paghihintay, sa wakas ay maisasakatuparan na din ang hiling ng madaming fans sa susunod na Wild Rift patch ngayong July.