Napuno man ng mga maaksyong laban ang 2021 Summer Super Cup, wala pa rin makatatalo sa pagka-clutch ng Team Secret.
Napanganga na lang ang mga fans sa kanilang Nexus defense kontra Cerberus Esports sa playoffs matapos nilang baliktarin ang dehadong laban salamat sa natirang 87 na buhay sa kanilang Nexus.
Ang malupit na Nexus defense ng Team Secret
Hinarap ng Team Secret ang pambato ng Vietnam sa ikalawang araw ng playoffs. Maagang nakuha ng Cerberus Esports ang kalamangan sa best-of-five series, kaya’t game four pa lang ay do-or-die na ang laban para sa mga Pinoy players.
Mukang tapos na ang lahat para sa kanila matapos maubos ang kanilang mga turret. Bandang 20-minuto ng laban, sinubukan ni Bui “BMM” Minh Manh na mag-backdoor at rekathin ang base ng Team Secret.
Nagmadaling bumalik para mag-defend si Heri “Tatsurii” Garcia. Napatama ng kanyang Ahri ang Charm para mapatay ang Fiora ng kalaban.
Mabilis na rumesponde ang mga kakampi ni Tatsurii. Ang Darius ni Eleazar “Azar” Salle ang dumali sa Corki ni Trần “Genza” Hồng Phúc sa tulong ng Apprehend, habang naka-Double Kill naman ang midlaner matapos mapatay ang Ziggs ni Đặng “Taku” Nhật Tân.
87 na lang ang natira sa buhay ng kanilang Nexus matapos ang pagtatangka ng Cerberus, at dahil sa pagpalya nito, ang pambato ng Pilipinas naman ang dumiretso sa kanilang base upang pahabain pa ang serye.
Bagamat bigo ang mga Pinoy na tuluyang manalo sa serye, nakatatak na ang kanilang Nexus defense bilang isa sa mga pinakamalulupit na save sa kasaysayan ng Wild Rift esports.
Patuloy ang paghahanda ng Team Secret para sa SEA Icon Series Fall Season na magsisimula bandang katapusan ng Hulyo.
Creativity at karanasan ang panglaban ng Team Secret
Nabubuo ng mga batikang manlalaro ang Wild Rift roster ng Team Secret. Karamihan sa kanila ay mula pa sa League of Legends, kabilang na ang kanilang kapitan na si James “Hames” Santos, na binandera ang Pilipinas sa Worlds sa ilalim ng Mineski.
Ito ang kanilang Wild Rift roster:
- Eleazar “Azar” Salle (Baron lane)
- Robert Dan “Trebor” Mansilungan (Jungle)
- Heri “Tatsurii” Garcia (Mid lane)
- Caster Troi “Chewy” Dela Cruz (Dragon lane)
- James “Hamez” Santos (Support/Captain)
- Morris Thesus “Core” Raymundo (Sub)
Kilala ang Team Secret sa kanilang mga out-of-the-box composition noong SEA Icon Series Philippines, katulad ng “no ADC” lineup at “chonky boi” lineup. Sila ang second seed ng mula sa bansa para sa Summer Super Cup.