Sa pagtatapos ng apat na araw ng maaksyong The International 11 (TI11) Group Stage tampok ang pinakamalalakas na Dota 2 teams sa buong mundo, 16 na koponan ang umabante sa TI11 Playoffs. na gaganapin sa Suntec Singapore.
Ang top 4 mula sa dalawang grupo ang nakapagselyo ng upper bracket spot sa TI11 Main Event. Samantala, ang sumunod na apat naman ay magpapatuloy mula sa lower bracket.
Ang mga koponang umabante sa upper at lower bracket ng TI11 Playoffs
Lumabas na malinaw na frontrunners sa Group A ang Evil Geniuses, na siyang naging unang koponan na umusad sa upper bracket ng TI11 playoffs matapos maglista ng 14-4 kartada. Kasama ng North American squad na kinabibilangan ni Pinoy star midlaner Abed “Abed” Yusop ang iba pang nagpakitang-gilas na Team Liquid, PSG.LGD at OG.
Magsisimula naman sa lower bracket ang Hokori, Royal Never Give Up, Gaimin Gladiators at BOOM Esports. Pinusuan ng BOOM ang 1.42% tsansa nitong makapasok sa TI11 playoffs at winalis ang top seed na EG para maipuwersa ang tiebreaker kung saan binalugbog nila ang Soniqs at BetBoom Team.
Dikdikan naman ang bakbakan sa Group B pero nagawang mangibabaw ng mga pambato ng Western Europe na Tundra Esports at Team Secret. Kasama nila sa upper bracket ng TI11 playoffs ang sorpresa ng grupo na Thunder Awaken ng South America at Team Aster ng China.
Nakakagulat naman na tila wala sa porma ang Team Spirit noong napanalunan nila ang TI10 at Arlington Major. Kakailanganin na ng defending champs na makaligtas sa lower bracket at gumawa ulit ng Cinderella run ngayong taon.
Sa lower bracket din mag-uumpisa ang Fnatic at beastcoast maging ang Entity na pinataob ang Talon Esports sa best-of-3 tiebreaker para sa huling puwesto sa TI11 Playoffs.
Ang TI11 Group Stage standings
Group A
STANDING | KOPONAN | GAME RECORD | MATCH RECORD (W-D-L) | PLAYOFF SEEDING |
1st | Evil Geniuses | 14 — 4 | 7 — 0 — 2 | Upper bracket |
2nd | Team Liquid | 13 — 5 | 4 — 3 — 1 | Upper bracket |
3rd | PSG.LGD | 12 — 6 | 4 — 5 — 1 | Upper bracket |
4th | OG | 10 — 8 | 4 — 2 — 3 | Upper bracket |
5th | Hokori | 9 — 9 | 2 — 5 — 2 | Lower bracket |
6th | Royal Never Give Up | 9 — 9 | 4 — 1 — 4 | Lower bracket |
7th | Gaimin Gladiators | 8 — 10 | 2 — 4 — 3 | Lower bracket |
8th | BOOM Esports | 5 — 13 | 1 — 3 — 5 | Lower bracket |
9th | BetBoom Team | 5 — 13 | 0 — 5 — 4 | Eliminated |
10th | Soniqs | 5 — 13 | 1 — 3 — 5 | Eliminated |
Group B
STANDING | KOPONAN | GAME RECORD | MATCH RECORD (W-D-L) | PLAYOFF SEEDING |
1st | Tundra Esports | 14 — 4 | 5 — 4 — 0 | Upper bracket |
2nd | Team Secret | 13 — 5 | 5 — 3 — 1 | Upper bracket |
3rd | Thunder Awaken | 10 — 8 | 2 — 6 — 1 | Upper bracket |
4th | Team Aster | 10 — 8 | 3 — 4 — 2 | Upper bracket |
5th | Fnatic | 9 — 9 | 3 — 3 — 3 | Lower bracket |
6th | Fnatic | 9 — 9 | 1 — 7 — 1 | Lower bracket |
7th | beastcoast | 8 — 10 | 2 — 4 — 3 | Lower bracket |
8th | Entity | 6 — 12 | 1 — 4 — 4 | Lower bracket |
9th | Talon Esports | 6 — 12 | 2 — 2 — 5 | Eliminated |
10th | TSM FTX | 5 — 11 | 0 — 5 — 3 | Eliminated |
Lahat ng natitirang koponan ay magsasalpukan para sa Aegis of Champions at pinakamalaking bahagi ng TI11 prize pool. Sa oras ng pagkakasulat, ang kabuuang premyo ay pumapalo sa mahigit US$16.6 milyon o PHP980 milyon. Iaanunsyo pa ng Valve ang distribusyon nito.
Ang mga laban ay ipapalabas sa opisyal na Twitch at YouTube channel ng PGL. Ihahatid naman ng LuponWXC ang opisyal na Filipino broadcast sa kanilang Facebook, YouTube at Twitch channel.
Sundan ang mga kaganapan sa TI11 Playoffs sa pamamagitan ng pag-like at pag-follow sa ONE Esports Philippines sa Facebook.
Base ito sa akda ni Nigel “Zim947” Zalamea ng ONE Esports.
BASAHIN: BOOM Esports nakalusot sa TI11 Main Event matapos magwagi sa tiebreaker