Para sa mga matagal nang naglalaro ng Valorant, alam nilang hindi madali ang pagsasagawa ng isang matagumpay na knife kill, ngunit ito ay kadalasang isa sa pinakamasayang karanasan sa loob ng game.

Sa simpleng Valorant guide na ito, ipapakita namin kung paano magtagumpay sa pagkakaroon ng knife kill para sa iyong koponan sa pamamagitan ng paggamit ng Dimensional Drift ability ni Yoru kasama ang Thrash ni Gekko.

Ang pag-combine ng mga ultimate abilities ng dalawang agents ay magbibigay ng isang deadly combo, na magbibigay ng kakayahang lapitan ng iyong Yoru ang hindi nag-iingat na kalaban. Ito ay hindi lamang magdadagdag ng excitement sa iyong laro kundi maaaring ma-impress rin sa iyong mga kaibigan.

Gawin ang Yoru-Gekko combo na ito para sa garantisadong knife kill

Thrash sa Yoru at Gekko combo para sa garantisadong knife kill
Credit: Riot Games

Kailangan mo ng access sa ultimate abilities nina Yoru at Gekko upang magawa nang matagumpay ang combo na ito. Ang mga ultimate na Dimensional Drift at Thrash ay nangangailangan ng pitong ultimate points, kaya mahalaga na subaybayan ang progress ng bawat isa sa ultimate at nang madiskarteng makakolekta ng mga orbs sa paligid ng mapa. Sa pamamagitan nito, mas malapit ka na sa pagpapatupad ng malakas na combo na ito.

Ang susunod na hakbang ay pumili ng lokasyon kung saan kayo at ang iyong teammate ay maaaring maggamit ng parehong ultimate. Isang rekomendadong paraan ay magkaroon ng Sova, Fade, o KAY/O sa iyong team na maggamit ng kanilang recon abilities upang matukoy ang kalaban sa simula ng round. Ito ay magpapataas ng tsansa na magawa ang knife kill.

Kahit na hindi makatanggap ng suporta mula sa initiator, ang Thrash ni Gekko ay may tagal na anim na segundo, samantalang ang Dimensional Drift ni Yoru ay tumatagal ng labingdalawang segundo. Ito ay magbibigay ng sapat na oras upang matukoy ang kalaban sa buong mapa.

Upang mapataas ang tsansa ng tagumpay, siguraduhin na si Yoru, habang nasa Dimensional Drift, ay nauuna kaysa sa Thrash ni Gekko. Sa pamamagitan ng pag-scout, makakagawa si Yoru ng mga informed decisions tungkol sa kung saan ilalagay ang ultimate ni Gekko at kung saan maiiwasan, dahil si Thrash ay vulnerable sa enemy fire.

Kapag nahanap mo ang isang mag-isang kalaban, si Gekko ay dapat na magdetonate ng Thrash upang ma-detain ang walang kamalay-malay na biktima. Ang pinakamahusay na bahagi ng combo na ito ay dahil si Yoru ay nasa kanyang Dimensional Drift, hindi siya maapektuhan ng blast radius ng Thrash ultimate ni Gekko.

Sa pagkaka-detain ng kalaban, kailangan na lamang ni Yoru na lumabas mula sa Dimensional Drift at kumubra ng madaling knife kill.



Kung ang iyong mga kalaban ay coordinated, malamang na magkakasama sila upang i-cover ang isa’t isa. Upang kontrahin ito, maaari mong gamitin ang Thrash ability ni Gekko upang mag-immobilize ng karamihan sa mga kalaban.



Kapag nadetain na ang mga kalaban, si Yoru ay pwedeng lumabas mula sa kanyang Dimensional Drift at mag-concentrate ng kanyang mga atake sa mga non-detained na kalaban muna, na magbibigay sa kanya ng strategic advantage.

Para sa iba pang balita at guide tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.