Nilinaw muli ng Sentinels star duelist na si Tyson “TenZ” Ngo ang kaniyang pinapanigan sa Phantom versus Vandal debate sa Valorant.
“Phantom is the best gun in the game,” banggit ng pro matapos i-clutch ang 1v2 situation sa Ascent. “It didn’t even matter if the Jett had head armor or not, because the Phantom one-hits at close range.”
Bagamat maraming sumasandal sa Vandal dahil sa abilidad nitong i-one-tap ang mga kalaban sa kahit anong range– kasabay pa ng swabeng pakiramdam kapag nakakakuha ng headshots– mas malakas ang stats ng Phantom kung susumahin.
Bakit best gun ang Phantom para kay TenZ
Hindi ito ang unang beses na nagpahayag si TenZ ang saloobin tungkol sa usaping ito. Noong nakaraang taon, idinitalye ng Sentinels player ang mga rason kung bakit mas malakas ang Phantom kung ikukumpara sa Vandal.
“The Phantom has a bigger clip, easier spray pattern, one-hits the head at close range, and one-hits medium armor at basically all ranges,” sabi ng duelist noon. “There’s just so many more reasons I think the Phantom is better, including its suppressor and better fire rate.”
Sa kabuuan, maituturing ang baril bilang mas well-rounded na weapon dahil forgiving ang recoil nito at mas mabilis ang reset. Ibig sabihin ay mas mabilis ding makukuha ang accuracy nito kapag pinapaputok ng quick bursts o kung hindi tumatama ang mga putok.
Bukod dito, hindi rin visible ang tracers nito kaya naman pwedeng makapagtagos ng damage sa gitna ng smoke nang hindi nalalaman ng mga kalaban kung nasan ka.
Kung hindi pa kumpiyansa sa mga headshots, maganda ring piliin ang Phantom. Mas magaling ang spray transfers nito kaya naman mas madali ring makatama ng mas maraming kalaban kapag nagpaputok.
Higit sa lahat, mas mataas ang first bullet accuracy ng weapon kontra Vandal kaya naman pakiramdam ng iba ay mas epektibo itong gamitin.
Higher DPS ang Phantom sa close to mid-range engagements dahil sa mas mabilis na fire rate kaya swabe din ito para sa mga players na mahilig mag-push. Kung gagamit ng mga controller agents katulad ni Viper na madalas ay sa closed angles nagniningning ay siguradong mas maganda piliin ang weapon na ito.
Ganito rin ang istorya kapag gumagamit ng Jett na madalas ay nag-dadash sa site para kumuha ng mga close-range skirmishes.
Pero paano naman sa Vandal? May mga pagkakataon bang mas malakas ito sa Phantom?
Mabilis ang sagot ni TenZ tungkol dito. “The only thing the Vandal can do is like one-tap,” aniya. Gayunpaman, hindi masisisi na marami pa ring pabor sa Vandal, lalo na ang mga nakakakuha ng 140 damage headshot sa kalaban. Ito rin ang rason kung bakit hindi matatapos ang Phatom versus Vandal debate.
Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.