Kahit na merong maraming futuristic skins, wala sa kanila ang nakakapantay sa kakaibang anyo ng Violet Spear skin ni Moskov, ang kanyang pangalawang Starlight skin.

Ito ang ikasampung skin ng hero na ito matapos ang Spear of Bone Dragon, Snake Eye Commander, Yasha, Javelin Champion, Twilight Dragon, Decapitator, Blood Spear, at Doom Incarnate.

Sa skin na ito, si Moskov ay nagpapakita ng kahanga-hangang pagbabago mula sa dating isang mandirigma ng kadiliman patungo sa isang cyborg na may makabagong sandata.

Violet Spear Moskov preview at skill effects

Violet Spear Moskov character model
Screenshot by Jules Elona/ONE Esports

Ang Violet Spear Moskov skin ay kakaiba dahil ipinapakita nito nito ang marksman hero bilang isang cyborg habang bigyang diin din ang mas makatao niyang anyo.

Ang maliwanag na kulay ni Moskov sa skin na ito ay malaking kabaliktaran sa kanyang default skin, kung saan siya ay nababalot sa kulay violet. Nagiging mas kakaiba rin ang kanyang itsura sa bagong skin dahil sa kulay brown niyang buhok.

Ang cyborg na datingan ay dahil sa armor na suot ni Moskov, na binubuo ng isang trenchcoat na tila may technological properties.

Kinukumpleto rin ang kanyang skin ng isang padded pauldron at isang makinis at kumikinang na jumpsuit. Ang nakakakilabot at tila walang kaluluwang mga mata ni Moskov ay malaking palatandaan ng kanyang cyborg na katauhan.

Para sa kanyang mga skills, siya ngayon ay naghahagis ng mga matitingkad na sibat na kulay violet, ngunit ang tunay na highlight ng skin na ito ay ang kanyang ultimate skill na Spear of Destruction.

Violet Spear Moskov Spear of Destruction
Screenshot by Jules Elona/ONE Esports

Iniipon ni Moskov ang lakas ng kanyang sibat habang isang malaking bola ng kidlat ang makikita sa kanyang harap. Pagkatapos ay ihahagis niya ang kargadong sibat patungo sa direksyon ng kalaban, na lumilikha ng isang maangas na effect, lalo na pag tumama ito sa maraming kalaban nang sabay-sabay.



Ang Violet Spear Moskov ay magiging available sa Starlight skin section tab sa May 1 para sa 300 diamonds.

Para sa iba pang balita at guides tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.