Sa madaling sabi, hindi madali na makaabot sa Mythic rank sa Mobile Legends: Bang Bang. Liban sa samu’t-saring uri ng players na makakalaro mo (may masyadong magaling sa lower rank at mayroon namang hindi pa masyadong sanay), marahil isa sa pang rason kung bakit hirap kang maka-akyat ay sa liit ng hero pool na mayroon ka, gayundin ang kakayahan mong gampanan ang role na mayroon ka sa laro.
Kaya naman, mainam na malaman mo kung paano gamitin ang iba’t-ibang heroes. May limang Mobile Legends heroes kaming maipapayo na maaari mong simulang gamayin para makatulong sa arangkada mo paitaas.
Ang limang Mobile Legends characters na ito, sinigurado nameng madaling gamitin lalo na kung baguhan ka pa lamang sa laro.
5 Mobile Legends heroes na maaaring gamitin para maka-rank up papuntang Mythic
Silvanna
Una sa listahang ito ay si Silvanna. Ito ay isang versatile hero na kayang maghasik ng lagim sa EXP lane gayundin sa roaming position.
Madaling gamitin ang kanyang mga abilities na nakakatulong sa team fights at sa pag-single out ng kalaban. Bukod dito, nakakatagal din siya sa long team fights dahil sa kanyang Spiral Strangling, kaya hindi ka kaagad mamamatay. Kung hanap mo ang isang fighter hero na madaling gamitin at may insane carry potential, si Silvanna ang swabeng Mobile Legends karakter para sa iyo.
Chang’e
Maaari mo ring simulang gamitin si Chang’e, isang hero na kayang magpakawala ng malaking damage sa kalaban gamit ang kanyang skills na Meteor Shower at Starmoon Shockwave. Madaling gamitin si Chang’e sa team fights dahil hindi kailangan ng malaking skill cap.
Kung nagsisimula ka pa lang sa laro, si Chang’e ang dapat mong piliin dahil simple lamang maintindihan kung paano gumagana ang kaniyang abilities, at napakalaki ng impact na kaya nitong dalhin sa team fights gayundin sa depensa kung nalagay sa alanganin ang iyong pangkat.
Granger
Pangatlong hero na maaari mong gawing opsyon si Granger, ang Death Chanter. Totoo, nakakalito minsan ang paggamit ng marksmen sa laro lalo’t napakalambot ng ganitong uri ng heroes. Gayunpaman, isa sa mga pinakamadaling gamitin si Granger dahil madaling kabisaduhin ang kaniyang skill kit na nakasentro sa pagkontrol ng distansya.
Bukod dito, kayang magpakawala ng malaking damage ang kanyang Rhapsody at Death Sonata. Hindi niya kailangan ng maraming DPS para makapanalo sa laro dahil sa lakas ng kanyang basic attacks. Kahit dehado na, kayang makabawi ni Granger gamit ang Brute Force Breastplate na nagbibigay ng added defense.
Saber
Hindi lahat ng player kayang maglaro ng assassin heroes tulad nina Ling, Benedetta, at Gusion. Pero kung nais mong subukan ang role na ito, si Saber ang pinakamadaling gamitin. Madaling ma-execute ang kanyang Triple Sweep na targeted ability.
At kapag nagawa mo ito nang may angkop na offensive items tulad ng Blade of Heptaseas, Blade of Despair at Malefic Roar, siguradong todas ang sinumang mamalasin na makabitan mo ng kaniyang First Skill + Ultimate.
Ang payo namin: Kung nais mong simulan na maging assassin main, si Saber ang best pick mo.
Gatotkaca
Panghuli sa listahan ng madaling gamitin na Mobile Legends heroes ay si Gatotkaca. Kayang ng karatker na ito na magpasabog ng malaking damage, bukod sa mahirap siyang patayin. Mayroon kasi ang hero na Steel Bones ability, na nagbibigay ng mas malakas na damage output habang tumatanggap ng damage.
Malaki rin ang maitutulong ng kanyang ultimate sa team fights. Si Gatotkaca ang ultimate flex pick kung nais mong maabot ang Mythic rank. Kung mahilig ka sa tank heroes sa Mobile Legends gaya ng Gatot, dapat mo i-prioritize ang pagkuha ng Dominance Ice dahil magbibigay ito ng abante sa iyong team lalo na kung malakas ang regeneration ng kalaban mo.
Para sa iba pang guides sa Mobile Legends, sundan lamang ang Facebook ng ONE Esports Philippines!