Kapos ang EVOS Legends sa kanilang tangka na muling maging kampeon sa MPL Indonesia matapos nilang magapi, 0-4, laban sa ONIC Esports sa grand finals ng MPL ID S11 na ginanap noong Linggo (9/4/2023) sa Hall D2 JIEXPO Central Jakarta sa Indonesia.

Hindi nagawang makasabay ng EVOS Legends sa pambihirang play ng ONIC Esports na sinagasaan ang White Tigers sa apat na laro para kumpletuhin ang sweep.

Credit: ONE Esports

Kaya naman ang mga tagahanga ng EVOS Legends, kitang-kita ang pagkadismaya sa kinalabasan ng inantabayanang matchup lalo na’t umasa sila na matututo ang kanilang paboritong koponan mula sa naunang 0-3 pagkatalo sa ONIC sa Upper Bracket.

Gayunpaman, malinaw na mas lalo pang tumikas ang Yellow Porcupines kumpara sa kanilang nakaraang paghaharap kontra sa White Tigers sa parehong regular season at playoff upper bracket. May ilan na hindi na nagulat sa paraan kung paano nagtagumpay ang kinalunan ay mga kampeon para kumpletuhing walang bahid ng pagkatalo ang kampanya sa MPL ID S11 playoffs.


Tazz hinarap ang EVOS Fams matapos magapi sa grand final

Credit: ONE Esports

Pagkatapos ng maligamgam na pagtatapos sa kanilang playoff run, direktang humingi ng paumanhin ang EVOS Legends jungler na si Tazz sa harap ng kanilang mga tagahanga sa Hall D2 JIEXPO.

Kinilala niya na hindi masyadong maganda ang resulta para sa kanila ngayon at umaasa na ang kanilang pagkakapasok sa gugulong na Mobile Legends: Bang Bang Southeast Asia Cup 2023 (MSC 2023) ay sapat upang mapawi ang kanilang pagkalugmok mula sa malagim resulta na nakuha nila sa MPL ID S10.

“From myself and my friends, of course, we have done our best (in the grand final). We apologize if our efforts lacked for all of you and I hope that the results this time can pay for your tears last season,” sabi ni Tazz sa pagsasalin sa ingles.

Credit: ONE Esports

Sinuklian naman ito ng palakpakan at hiyawan ng mga tagasuporta ng bantog na esports org, kasama ng pag-asang mauulit ng kanilang koponan ang tagumpay sa international stage gaya ng nagawa nila sa IESF 14th World Esports Championship.

I-like at i-follow ang Facebook ng ONE Esports Philippines para sa mga balita ukol sa MPL!

BASAHIN: Eksklusibo: Coach Age nagbahagi tungkol sa kalagayan ng EVOS Legends matapos ang grand final ng MPL ID S11