Hinirang na Finals Most Valuable Player si Gilang “Sanz” matapos tulungan ang kaniyang ONIC Esports na makalawit ang ikalawa nilang sunod na kampeonato sa MPL Indonesia Season 11.
Hindi na kagulat-gulat para sa marami ang isinalang na performance ng itinanghal din na Regular Season MVP at First Team Midlaner sa postseason. Ito ay dahil isa sa mga primerang rason kung bakit numero-uno ang Yellow Porcupines ay ang halimaw niyang performances sa kabuuan ng regular season kung saan ipinakita niya ang lawak ng kaniyang hero pool at mastery sa mga ito.
Mula sa pagiging young star noon sa Mobile Legends: Bang Bang Developmental League Indonesia (MDL ID) sa ilalim ng bandera ng VICTIM, malayo na ang narating ng pro. Ngunit para kina Coach Yeb at Adi, may rason kung bakit ganito na lamang ang ebolusyon ng kaniyang laro.
Halimaw na performance ni Sanz pinaliwanag ni Coach Yeb at Adi
Pagkatapos ang serye kontra EVOS Legends sa MPL ID S11 Grand Finals, nagkaroon ng pagkakataon ang media na makausap sina Coach Yeb at Adi para maliwanagan ukol sa kakaibang performance na ipinakita ni Sanz. Kuwento ni Adi, may dalawang “modes” daw ang kanilang midlaner.
“The thing that made his performance increase dramatically was because he has two types. Furious mode, and very focused mode. Maybe it’s not visible when on-camera but when competing, [these] two factors are the reason,” aniya.
Samantala, inamin naman ni Coach Yeb na malaking bahagi sa ipinakita ng pro ang synergy niya kasama ang kaniyang ONIC teammates. Kuwento ng Best Coach ng MPL ID S11, He is really good. Even from the previous seasons, seasons 6,7,8 and 9, he was great. Maybe it’s because all the players complement each other,”
Susubukan ni Sanz na panatilihin sa ganitong lebel ang kaniyang performance sa kanilang pagsalang sa darating na Mobile Legends: Bang Bang Southeast Asia Cup 2023 sa Cambodia ngayong Hunyo.
Antabayanan ang iba pang balita tungkol sa MPL sa pamamagitan ng pag-like at pag-follow sa Facebook ng ONE Esports Philippines!