Si Moskov ba ang best na solo queue hero sa Mobile Legends: Bang Bang?
Ang paglalaro nang mag-isa sa ranked ay maaaring maging isang hamon, dahil palaging may pagkakataon na mapasama sa isang koponan na hindi nagkakasundo.
Ito ang dahilan kung bakit karamihan sa mga solo players na nasa mataas na rank ay gumagamit ng mga hero na may kakayahang magdala ng koponan nang mag-isa.
Isang hero na nagtatugma sa ganitong kahilingan ay ang Spear of Destruction na si Moskov. Sa isa sa kanyang mga kamakailang video sa YouTube, ipinakita ni RRQ star Muhammad “Lemon” Ikhsan kung gaano kalakas ang marksman na hero na ito at kung bakit ang paghahanda sa kanya ay may malaking maitutulong sa iyong solo queue journey.
Lemon ipinakita ang husay sa paggamit ng Moskov at pinatunayang halimaw ang hero sa solo queue
Si Lemon ay naglaro kasama ang apat na random na players, at pinili ang marksman hero upang harapin si Brody, isa pang popular na hero sa solo queue.
Kahit na hindi gaanong dinadalaw ng kanilang jungler at roamer sa panahon ng laning phase, ang star ng RRQ ay nakakuha pa rin ng solo kills at nakuhang palakihin ang kanyang lamang.
Ito ay dahil na rin sa abilities ni Moskov, tulad ng kanyang Abyss Walker na nagpapahintulot sa kanya na mag-reposition sa mga team fights, at ang Spear of Misery na tumutulong sa kanya na ma-stun ang mga kalaban na masyado nang dumidikit.
Ang kahanga-hangang performance ni Lemon ay nagbunga ng KDA na 10/5/6 at nagbigay sa kanya ng titulo bilang MVP.
Moskov build ni Lemon sa mobile Legends
- Corrosion Scythe
- Tough Boots
- Malefic Roar
- Demon Hunter Sword
- Windtalker
- Wind of Nature
Ang kanyang kasalukuyang posisyon bilang isa sa mga pinakamalakas na heroes sa MLBB ay maaring bahagyang may kinalaman sa kamakailang pag-buff sa mga on-hit items tulad ng Corrosion Scythe, Demon Hunter Sword, at Golden Staff.
Ang mga items na ito, kasama na ang dagdag na attack speed mula sa paggamit ng Abyss Walker, ay nagbibigay sa kanya ng malaking damage output sa mga team fights.
Bukod dito, siya ay kilala sa kanyang kakayahan sa mabilis na pag-push, na maaaring palakasin pa ng Abyss Walker at Spear of Destruction ultimate, kung kaya’t naging epektibo ang hero na ito pagadating sa split-pushing.
Ang kanyang natatanging kit, kasama ang mga kamakailang pag-buff sa mga items, ay ang dahlian kung bakit siya naging magandang pick para sa mga solo players na nais buhatin ang kanilang koponan sa ranked.
Narito ang isang alternatibong build para sa marksman hero na gamit ng gold laner ng Smart Omega na si Duane “Kelra” Pillas.
Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.