Natupad ang hiling ng maraming fans ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League Philippines (MPL PH) nang piliin ng Blacklist International ang Smart Omega para makaharap sa paparating na playoffs ng gumugulong na season.

Muli kasing naliyaban ang karibalan ng dalawang koponan nang ideklara ni Billy “Z4pnu” Alfonso na ang kasalukyang kampeon ng liga ang unang malalaglag sa playoffs.

Tila nais namang pabulaanan ito ng kampo ng Codebreakers nang piliin nila ang Barangay Omega na makaharap sa play-ins, ang unang round ng playoffs kung saan malalaglag ang matatalo.



Coach MTB, ipinaliwanag kung bakit nila pinili ang Smart Omega na makaharap sa MPL PH S11 playoffs

Bakit nga ba pinili ng Blacklist International na makaharap ang Smart Omega sa playoffs ng MPL PH S11? Ito ang paliwanag ni Coach MTB
Credit: Blacklist International

Sa isang eksklusibong panayam ng ONE Esports kay Aniel “Master The Basics” Jiandani, binigyang linaw ng head coach ng Blacklist International ang kanilang rason sa likod ng naturang desisyon.

“Based on the stats, we won 2-0 against OMG twice. And for ONIC, we won 2-1 twice,” ani Coach MTB.

Tinapos ng koponang pinangungunahan ni Johnmar “OhMyV33nus” Villaluna ang walong linggong regular season bilang ang third seed. Dahil dito, nagkaroon sila ng kapangyarihan na makapamli ng makakatapat sa pagitan ng fifth seed na ONIC Philippines at sixth seed na Smart Omega.

Bakit nga ba pinili ng Blacklist International na makaharap ang Smart Omega sa playoffs ng MPL PH S11? Ito ang paliwanag ni Coach MTB
Credit: MPL PH

Kung resulta nga lang din ng kanilang performance sa dalawang pagpipilian ang basihan, ‘di hamak na mas madali nilang tinalo ang tropa nina Duane “Kelra” Pillas, kumpara kina Nowee “Ryota” Macasa.

Pero hindi naman basta magpapakampante sina Coach MTB, lalo na’t tila nahanapan na ng butas ang tanyag nilang UBE strategy matapos silang talunin ng seventh seed na Nexplay EVOS at lampasuhin ng first seed na BREN Esports.

‘Di rin pwedeng balewalain ang taglay na ‘lason’ ng Smart Omega na madalas ay umeepekto pag tungtong ng mga ito sa playoffs. Kaya ani Coach MTB, pagbubutihin pa nila lalo ang istilo ng kanilang paglalaro.

Bakit nga ba pinili ng Blacklist International na makaharap ang Smart Omega sa playoffs ng MPL PH S11? Ito ang paliwanag ni Coach MTB
Credit: MPL Philippines

“Right now, we’re still focusing on our playstyle. If we’re able to improve, it will be a good match against OMG,” sambit ni Coach MTB.

Para naman sa maanghang na banat ni Z4pnu, may maikling buwelta ang bagitong coach:

“Good luck!”


Samantala, nakatakdang iraos ang harapang Blacklist International at Smart Omega sa unang araw ng MPL PH S11 playoffs. Gaganapin ito sa SMX Convention Center sa ika-apat ng Mayo, sa ganap na ika-isa ng hapon.

Para sa karagdagang esports balita, guides, at highlights, i-follow lang ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: Katatampukan nina Jessica Sanchez at Alison Shore ang MPL PH S11 Grand Finals