Nakabalik na sa winning column ang Bren Esports matapos walisin ang RSG Slate Philippines sa inabangang Week 7 Day 2 bakbakan sa MPL Philippines Season 11. Ngunit bago tibagin ang Raiders, dumaan muna sa mapait na 2-1 pagkatalo ang The Hive para mapunta sa losing end ng tinagurian bilang pinakamalaking upset sa kasalukuyang season.

Credit: MPL Philippines

Para sa head coach ng team na si Francis “Coach Duckey” Glindro, isa raw ito sa mga kinakailangang maranasan ng kaniyang hanay para mapagtibay ang kanilang tiyansa na magtagumpay ngayong season.


Coach Duckey inilahad ang saloobin tungkol sa upset win ng TNC kontra Bren

Sa post-match interview kasama si Mara Aquino, nagkaroon ng pagkakataon si Coach Duckey para linawin ang ibig sabihin ng upset win ng TNC kontra sa kaniyang pangkat. Aniya, isa raw itong ‘humbling experience’ para sa kaniyang team na kinakailangan para magising ang mga ito sa kung ano ang lebel ng teams na mayroon sa liga.

Credit: MPL Philippines

“Kahit sino naman na winstreak for a very long time would feel invulnerable, hindi matatalo. It goes to show na kaya kaming talunin kahit sino na teams dito sa MPL,” kuwento ng Bren coach sa harap ng mga nanood sa Shooting Gallery Studios.

Dagdag pa niya, “Yung mga bata was like “‘De babawe kame. babawe kame coach.”I was just happy that they made good with their word.”

At hindi lang simpleng tagumpay ang kinalawit ng Bren kontra sa MPL PH Season 9 champions. Sinagasaan ng mga pambato ng The Hive ang kumpetisyon sa game one na hindi tumagal ng 15-minutos, bago lamunin ang mga ito sa ikalawang mapa sa loob lamang ng 12-minutos.

Credit: MPL Philippines

Kasalukuyang hawak ng team ang pinakamagandang win-loss record sa 10-2 kasama pa ng 28 points matapos ang Week 7 Day 2, at nanatiling malayo sa second-placer na ECHO na 8-3 kartada at 22 points.

I-like at i-follow ang Facebook ng ONE Esports Philippines para sa updates tungkol sa MPL PH!

BASAHIN: Bakit si E2MAX at BON CHAN ang napusuan ni Coach Duckey na mapasama sa Hall of Legends