Sina Patrick “E2MAX” Caidic at Kristoffer “Coach BON CHAN” Ricaplaza ang napili ni Francis “Coach Duckey” Glindro na karapat-dapat na maihalal sa Hall of Legends sa kongklusyon ng MPL Philippines Season 11.

Ito ang ibinahagi ng M-World Series champion coach sa post-match interview kasama si Mara Aquino pagkatapos itumba ng kaniyang Bren Esports ang RSG Slate Philippines sa inantabayanang Week 7 Day 2 bakbakan.

Credit: ONE Esports/ MPL Philippines

Pag-aamin ng coach, bagamat dalawa ang kaniyang napusuan ay isa lamang daw ang kaniyang ibinoto sa huli alinsunod na din sa isang tao lamang ang maluluklok sa pagtatapos ng season.


Coach Duckey pinagpilian sina E2MAX at Coach BON CHAN sa kaniyang HoL nomination

Sa nasabing panayam, diretso ang tugon ni Coach Duckey sa mga taong tingin niya ay nararapat na mahalal sa Hall of Legends.

“Honestly nag-boto na ako. At ang binoto ko ay si E2MAX. I think his personality, personality-wise I think he’s one of the best people around the MPL scene,” kuwento ng Bren coach.

Ngunit dagdag niya, “May isa pa akong pinag-iisipan. Of course si Bon. Bon is not in the Hall of Legends just yet and I think he is really really deserving of it.”

Credit: Moonton

Gayunpaman, kay E2MAX daw niya inilagay ang kaniyang boto sa huli, lalo pa’t aniya, ang Smart Omega assistant coach daw ang paborito niyang player sa MPL PH liban sa kaniyang midlaner na si Angelo “Pheww” Arcangel.

Credit: MSC 2022

Sa kasalukuyan ay bukas pa rin ang botohan para sa personalidad na mapapasama sa eksklusibong pangkat kasabay ng kongklusyon ng Season 11. Maaaring makilahok ang fans sa nominasyon sa pamamagitan ng pag-gamit ng templates mula sa MPL Philippines Facebook page.

Gugulong ang voting period hanggang April 16.

I-like at i-follow ang Facebook ng ONE Esports Philippines para sa pinakahuli ukol sa MPL PH.

BASAHIN: Si EDWARD daw ang tingin ni H2wo na karapat-dapat mahalal sa Hall of Legends