Sa ikatlong pagkakataon, TODAK hinirang bilang pinakamagaling na team sa Mobile Legends: Bang Bang Professional League Malaysia. Ito ay pagkatapos sagasaan ng koponan ang Team SMG, 4-0, sa grand final ng MPL MY Season 11.

Ngunit bago makamit ang record-breaking win, kinailangan muna ng TODAK na magpakitang-gilas sa regular season kung saan nagtapos sila sa ikalawang puwesto. Pagkaraan nito, pinatumba ng hanay ang Team Lunatix at Homebois para magingn unang koponan na nakarating sa final stage.

Samantala, hindi naging madali para sa Team SMG na makuha ang tiket sa grand finals dahil bago makuha ito ay matiyagang inakyat ng hanay ang lower bracket matapos magapi ng Homebois sa upper bracket semis.

Gayunpaman, magilas ang ipinakita ng SMG na sinipa palabas ng playoffs ang Lunatix at naghiganti kontra Homebois para maikasa ang duwelo kasama ng TODAK.


Paboritong TODAK unang koponan na may tatlong titulo sa MPL MY

Screenshot ni Jules Elona/ ONE Esports

Mala-maestro ang isinalang na performance ni Muhammad “CikuGais” Fuad sa unang dalawang mapa tulungan ang TODAK makuha ang momentum ng serye. Pinatunayan ng gold laner ang husay niya sa kaniyang Krrie na kumana ng magkasunod na 10/2/3 at 7/1/4 KDA para hirang MVP sa magkasunod na laro.

Sa ikatlong mapa, muling pinakawalan ng Team SMG ang Karrie ng sikat na pro, ngunit pinili ng koponan ang burst heroes na Lunox, Martis at Claude para makontra ito. Hindi naman nagpahuli ang kalaunan ay three-time champions ng liga dahil sinagot nila ang draft sa pamamagitan ng pagpili sa Akai at Khufra para protektahan ang Karrie ni Ciku.

Dikdikan ang naganap sa loob ng mapa ngunit isang krusyal na play sa palibot ng Evolved Lord sa ika-14 minuto ang tumulong sa TODAK mapagulong ang death push. Timbog ang apat na miyembro ng Team SMG sa Lord Dance at hindi na nagpaligoy-ligoy pa ang TODAK na itinulak ang lanes para ibaon ang kalaban sa 0-3 bangin.

Ganito rin ang istorya ng ika-apat na mapa kung saan muling ipinagulong ng TODAK ang Akai pick sa jungle na pinarisan nila ng Atlas para gawing ligtas ang pleasing ng kanilang marksman. Malagkit ang naging labanan hanggang sa pagkakataong nahuli ang jungler ng SMG na si jungler Wan “Subway” Sakirin sa top lane, paraan para maselyo ng mga paborito ang Evolved Lord.

Dito na nakaamoy ng dugo si CikuGais na tumulak sa base ng kalaban at kumitil ng dalawang miyembro ng kalaban para muling maingat ang tropeyo ng MPL MY.

Dahil sa panalo, makukuha ng koponan ang pinakamalaking bahagi ng US$100,000 prize pool at ang tiyansang maging kinatawan ng Malaysia sa paparating na Mobile Legends: Bang Bang Southeast Asia Cup 2023 (MSC 2023) ngayong Mayo.

Credit: Moonton

Manatiling updated sa pinakahuli sa MPL sa pamamagitan ng pag-like at pag-follow sa Facebook ng ONE Esports Philippines!

BASAHIN: RSG Slate SG gumawa ng kasaysayan, unang 3-time champion sa MPL SG