Ang pagkakataon para pumasok ang Geek Slate sa MPL ID S11 playoffs ay bukas na bukas.  

Nagumpisa ang Week 5 ng MPL ID S11 sa isang mainit na labanan para sa top place sa standings sa pagitan ng Geek Slate at EVOS Legends.  

Sa kabila ng mga hula ng tao na gusto ng isang mainit na bakbakan, inabot lamang ng dalawang games ang match na ito dahil sa landslide score ng Geek Slate na 2-0. 

Nilagay ng panalo na ito ang Geek Slate sa upper bracket zone, kasunod ng ONIC Esports na mahimbing ang upo sa tuktok ng MPL ID Season 11 regular season. 

Ito ay bagong kasaysayan para sa Geek Slate dahil hindi pa sila nakakapasok sa upper bracket zone ni kailanman. Ang kanilang panalo laban sa EVOS Legends ay mas espesyal pa dahil may pagkakataon silang makapasok sa playoffs.  

Kasalukuyang may anim na wins si Baloyskie. Kung titignan mo ang mga trends sa nakaraang tatlong MPL seasons, ang bilang ng kaniyang wins ay sapat na para makapasok ang team sa playoffs.  

Nanatili ang 100 percent win rate ni Natalia sa MPL ID S11 dahil kay Baloyskie ng Geek Slate 

MLBB Baloyskie Geek Slate
credit: ONE Esports

Nakita sa unang match ng Geek Slate laban sa EVOS Legends si Baloyskie gamit ang kaniyang trademark hero na si Natalia.  

Nasa EVOS Legends ang kontrol sa early hanggang mid phase ng match, ngunit naibaliktad ito ng Geek para ma-secure ang panalo.  

Ang pag-comeback habang gamit si Natalia ay hindi madaling gawin, dahil agresibo ang hero na ito at wala siyang abilidad mag-depensa. Ngunit nakahanap si Baloy ng mga paraan para maibalik sa kanila ang panalo.  

Ang tagumpay ni Baloyskie sa game ay nagtala ng kaniyang istado bilang best Natalia user ng mundo. Sa kaniyang limang appearance gamit ang Bright Claw, lahat ng ito ay naging panalo.  

Dagdag pa riyan, ang Geek Slate lamang ang may kakayahang manalo gamit si Natalia sa MPL ID S11. Ang dalawang teams na gumamit din ng hero na ito, ang ONIC Esports at Rebellion Zion, ay nabigo.  

Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa mga karagdagang balita tungkol sa MPL ID S11.