Nagtuos ang ONIC Esports at RRQ Hoshi sa isang mainit na labanan sa Matchday 2 ng Week 5 ng MPL ID Season 11.  

Nasa cloud 9 ang ONIC Esports matapos ang siyam na magkasunod na wins sa regular season. Umuunlad si Kairi cs sa kaniyang ambisyon na maging MPL ID back-to-back champions.  

Determinado naman ang RRQ na bumangon sa kanilang bagsak noong nakaraang linggo kung saan natalo sila nang tatlong magkasunod na beses.  

Sa match na ‘to may bago na silang coach, si BangDuk, isang dating Alter Ego coach na minsa’y nagdala sa team sa kanilang highest peak sa history nila.  

Pinutol ng debut ni BangDuk ng RRQ ang win streak ng ONIC Esports 

MLBB BangDuk
Credit: Team RRQ

Matapos mag-survive nang apat na linggo, napilitan na bumalik ang ONIC Esports sa lupa. Naputol ang kanilang siyam na win streak dahil sa RRQ.  

Ang pagdating ni BangDuk bilang head coach ay nagbigay ng positibong resulta. Ang coach na nagdala sa Alter Ego para maging ONE Esports MPLI Champion noong 2020 ay pinamukha sa ONIC Esports na kaya pa rin silang matalo.  

Mainit ang laban hanggang sa tatlong game. Ngunit biglang nagwala ang King of all Kings sa deciding game, at agresibo ang kanilang laro hanggang sa natalo nila ang Yellow Hedgehogs, na napilitang mag-admit defeat sa 14th na minuto.  

Maliban sa pagsira sa perfect record ng ONIC Esports, ang panalo na ‘to ay nagbalik sa RRQ sa upper bracket zone, kung saan pinatalsik nila ang Geek Slate.  

Painit nang painit ang kompetisyon sa MPL ID Season 11. Isa pa ring malaking tanong kung sino ang magiging kampeon sa huli.  

Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa karagdagang balita tungkol sa MPL ID Season 11.