Si Franco o kilala bilang Frozen Warrior ay isa sa pinakamalakas na tank/support na may mataas na pick rate sa lahat ng rank games as Mobile Legends: Bang Bang

Mabilis siyang mag rotate, kaya niyang manghila ng kalaban papunta sa kaniya galing sa malayo at pabagalin ang mga ito. Isa siya sa pinakamagaling na mag-assist sa kaniyang kakampi sa buong Land of Dawn dahil sa kakayahan niyang mag-suppress ng kalaban, ang pinakamataas na lebel ng crowd control. 

Narito ang Franco guide, kasama ng recommended emblems, best battle spell, best build, at skill combos. 


Franco Guide: Mga skill niya sa Mobile Legends



Passive – Wasteland Force 

Kung walang damange sa loob ng limang (5) segundo tiyak na makakakuha ng dagdag movement speed si Franco at makakabawi pa ng Max HP percentage sa bawat segundo. Hanggang 10 stacks ang maaaring maipon ng Wasteland Force. 

  • Mauubos ang kaniyang Wasteland Force stacks sa kaniyang kasunod na pag-cast ng kaniyang skill para makapagpataas ng skill’s damage. 
  • Hindi mauubos ang Wasteland Force kung hindi niya natamaan ang mga kalaban o kaya ang mga jungle creeps. 
  • Hindi magrereset ang damage taken na nakuha ni Franco kung na-absorb ito ng kaniyang shield. 
  • Ang mabilis niyang pag-ikot sa mapa ay may mas kakayahan siyang makapag-assists sa kaniyang mga kakampi.
  • Huwag kalimutan na bilhin ang Rapid Boots sa item para ma-maximize ang bonus movement speed. 


First skill – Iron Hook 

Kapag pinagana na ni Franco ang kaniyang Iron Hook sa kaniyang takdang direksyon ay mayroon itong physical damage para sa kaniyang kalaban at hilahin ito papunta sa kaniya. 

Franco Guide: Tips sa paggamit ng Iron Hook

  • Ang kaniyang hook ay pwedeng lumusot sa mga pader at turret. Ito ay pwede lamang maharangan ng Guardian Bulwark ni Lolita. 
  • Sa pag-hook ni Franco sa kalaban ay pwede niya rin itong ma-stun. 
  • Gamitin ang bushes para mas hindi makita at unpredictable ang hooks. 
  • Gamitin ito para guluhin ang pag-farm ng mga junglers o kaya naman ay puwersahin na magamit ng kalaban ang kanilang battle spells sa early game 
  • Kumuha ng chansa na maka-hook ng mga kalaban at puntiryahin ang kaliwang bahagi ng skill indicator para sa target. 
  • Kasunod nito ay ang pag-Flicker para makuha ang lahat ng kalaban at pahabain pa ang range ng hook at paikliin ang cast animation.
  • Gamitin ito bilang pang-scout sa mga kalaban sa bushes.
  • Pataasin ang abilidad nito para mabawasan ang pag-cooldown. 


Second skill – Fury Shock 

Franco Guide: Paano gamitin ang Fury Shock

Magdadabog si Franco sa lupa para magdulot ngAOE physical damage sa kalaban at mapabagal sila sa loob ng 1.5 na segundo. 

  • Kung may mataas kang HP mas marami ang damage ng Fury Shock.
  • Gamitin ito sa pagleash ng jungler sa early game.
  • Pwede mo rin gamitin ito para matulungan ang iyong kakampi sa pag-clear ng minion waves, lalo na sa inyong midlaner para makasama siya sayo sa pag-assists sa mga kalaban sa side lanes. 
  • Pwede pabagalin ang mga kalaban gamit ang skill na ito kung sinusubukan nilang habulin ang iyong kakampi.
  • Mayroon itong damage at nakakapagpabagal ng kalaban na mga nagtatago sa bush kahit hindi sila nakikita sa loob nito. 


Ultimate – Bloody Hunt 

Franco Guide: Paano gamitin ang Bloody Hunt

Sinu-suppress ni Franco ang pinupuntirya niyang kalaban sa loob ng 1.8 na segundo at mapalo ng anim na beses. Physical damage ang dulot nito sa loob ng time duration. 

  • Bilang ito ay may suppression effect, hindi ito matatanggal ng Purify. 
  • Mapipigilan nito ang kalaban sa pag-galaw, atake at pag-gamit ng kaniyang skills. 
  • Mapipigilan din nito ang pag-gamit sa lahat ng kaniyang skills kasama na ang pag-kontrol sa immunity–First Crack ni Badang, Violet Requiem ni Gienever at Real World Manipulation ni Yve at sa pagwalang bahala ng resilience at pag-kontrol ng reduction effects. 
  • Ang Bloody Hunt ay may maikling range kaya kailangan gamitin ang Flicker or Conceal para maiwasan ang gap sa iyong target. 

Paano nga ba laruin si Franco sa Mobile Legends?

Franco Guide: Marerekomendang Battle Spell 

Mobile Legends Franco guide: Best build, skills, emblem, combos
Credit: ONE Esports

Flicker ang pinakang-magandang gamitin na battle spell para kay Franco. Sa pag-gamit ng Flicker kasama ng Iron Hook ay talaga namang isang game-changer. Pwede mo hilahin ang mga kalaban paatras gamit ang Flicker. Pwede mo rin pataasin ang range ng hook at i-reduce ang cast animation kapag ginamit mo ito paunahan. 

Ang Flicker ay isa rin sa ginagamit bilang battle spell para mas pagandahin ang pag-assists sa mga kalaban na may kasamang Bloody Hunt para mas mapabilis ang gap at makuha sila sa nang hindi nila inaasahan. Bilang walang mobility spell si Franco, ang Flicker ang pinakamagandang gamitin na pang-eskapo sa mga sticky na sitwasyon. 

Franco Guide: Marerekomendang emblem 

Mobile Legends Franco guide: Best build, skills, emblem, combos
Credit: ONE Esports

Ang Support emblem kasama ng Pull Yourself Together talent ay magandang kumbinasyon kaya ito ay mataas na inirerekomenda. Ito ay pagbawas sa respawn time at ang pinakamahalaga ay ang pag-cooldown ng iyong battle spell. Distribute points in Mastery for cooldown reduction and Agility for extra movement speed, then go all in on Recovery for better HP and mana regeneration.

Kung wala kayong tank EXP laner o jungler pwede piliin ang Tank emblem kasama ang Tenacity. Allocate one point each in Vitality, Firmness, and Shield, and max out Inspire for cooldown reduction. Matutulungan ka nito upang mas ma-absorb ang damage at maprotektahan ang kakampi habang team fights. 

Franco Guide: Pinakamabisang item build 

Mobile Legends Franco guide: Best build, skills, emblem, combos
Credit: ONE Esports

Para naman sa item build, Rapid Boots ang kinakailangan ni Franco para mamaximize ang kaniyang passiveness. Kung ang role mo ay isang roamer pwede mong konsiderahin na piliin ang Concele para makatulong sa pag-assists. Para naman sa depensa, mahalaga na ma-adapt agad ang kumpusisyon ng kalaban. Halo ng physical at magic defense iteams ang ideyal na build. 

Simulan ang pagbuo gamit ang Dominance Ice. Para ma-repel ang magic damage, bilhin ang Athena’s Shield o Radiant Armor. Para naman sa physical damage, bumili ng Assault Cuirass o kaya Blade Armor. At ang panghuli ay wag kalimutan na bumili ng Immortality para taasan ang survivablity. 

Kung gusto mo naman ng deal damage habang nananatiling makunat ay pwede mong bilhin ang Cursed Helmet at Guardian Helmet–ang mga items na pwedeng magdagdag ng magic damage at sustain. 

Ang susi para maipanalo ang laban gamit si Franco ay maging epektibong initiator at disruptor para sa iyong mga kakampi. Unahin ang mga items na pwede kang matulungan sa pag-achieve ng panalo at pwede naman i-adjust ang mga ito depende sa sitwasyon. 

Franco Guide: Mga combo na dapat matutunan



Ang skill combo ni Franco ay sobrang epektibo para makapagpatumba ng isang target. Simulan mo sa pagbato ng Iron Hoook sa kalaban at sundan ito ng Bloody Hunt para manatili sa kanilang pwesto. Sundan na rin agad ito ng cast Fury Shock para sa massive damage. Makipagcoordinate sa iyong mga kakampi para mapokusan ang fire at ma-burst down nang mabilis ang inyong kalaban.

Para sa madagdagan ang pagiging epektibo ng Iron Hook ay gamitin ang Flicker pa-atras kapag na-hook mo na iyong kalaban para mahila siya papalapit sainyong kakampi o kaya turret. Pwede mo na rin i-tap ang Flicker pakanan pagkatapos mong ma-cast ang Iron Hook para ma-extend ang range nito at masurpresa ang mga kalaban. 

Madaling sabihin na madali lamang gamitin ang hook ni Franco pero mahirap itong ma-perfect sa pag-gamit sa laban kaya naman panatilihin itong praktisin sa mga classic matches. Kung may enough practice, maari mo na ma-master ang combo ni Franco at maging magaling at maasahan na kakampi sa laban.


Nagustuhan mo ba ang Franco Guide na ‘to? I-follow din ang ONE Esports Philippines sa Facebook for more!

BASAHIN: Bakit si Pharsa lang ang magandang mage hero na gamitin pang-RG sa Mobile Legends