Puntahan ang Antaris Battlefield ng Arena of Valor sa ngayong linggong episode ng Gamer’s Paradise.
Dinala ng episode 11 ang mga gamers sa mga lambak ng Arena of Valor kasama ang mga casters na sina Em “Kaisaya’ Dangla at Brian “Guiang Gaming” Guiang para sagutin ang tanong na sino ang best hero ng laro.
An g epic na 5v5 multiplayer online battle arena (MOBA) title na ‘to ay nakatanggap ng mga medalya sa 2021 Southeast Asian (SEA) Games, at nananatili bilang isa sa pinakasikat na mobile games ngayon.
Ang panibagong Arena of Valor International Championship 2022 ay may prize pool na US$2,000,000, ang pinakamataas sa AIC history.
Sinuri ng Gamer’s Paradise Episode 11 ang isa sa pinakasikat na MOBA titles, Arena of Valor
Para kay Kaisaya, isang ring dating Arena of Valor pro, ang best hero ay ang matapang na marksman na si Violet. “I play marksman in the game and she’s got lots of skins,” sabi niya. “She rolls and tumbles and jumps through walls. I think she’s amazing. She’s very mobile.”
Habang pinili naman ni Guiang Gaming ang mage hero na si Raz. “I find it quite fulfilling to play Raz,” he said. “He is a high-priority pick when you want to be able to close the distance with your enemy.”
Noong hinamon ng host na si Eri “Eri” Neeman ang dalawa na depensahan kung bakit nila pinili ang mga heroes na ito, sinabi ni Guiang na nahihirapan si Violet sa early hangang mid game. “On the other hand, that’s where Raz thrives,” sabi niya. “Raz can always initiate up front, and his damage is always going to increase over time.”
Ang mga mahuhusay na Violet players ay kayang gamitin nang mautak ang kaniyang Tactical Fire tumble para iwasan ang skill shots ni Raz, sabi naman ni Kaisaya. “She can also play safe in the early to mid game until she gets all the farm she needs,” dagdag niya.
Habang hindi nagkasundo ang dalawa, naging malakas ang kanilang mga kaso kung bakit malakas ang dalawang heroes sa tamang paggamit.
Sa Hero Story naman, binigyan pansin ngg episode si Kawee “MeMarkz” Wachiraphas, isang retired na Overwatch pro na naging Arena of Valor player.
Habang mukhang ibang-iba ng dalawang laro na ito, sabi ni MeMarkz na may pagkakatulad pa rin sila. “The game pattern of Overwatch and other MOBA games are kind of overlapping,” sabi niya. “People think of Overwatch as a full FPS game, but that’s not true because it is mixed with elements of MOBA games, like skills and positioning in battles.”
“This made my transition from Overwatch to AoV less difficult.”
Nakatulong rin ang AoV (o RoV) sa pagbuo ng landas para sa iba pang mga mobile esports tournaments as Thailand para ibahin ang esports industry ng bansa. Ito ang unang beses na nagpapaligsahan ang Thailang para sa isang mobile game, at dito nagumpisa ang isang malagong esports scene.
Mula pro player patungong coach at ngayo’y streamer, nakita at nagawa na ni MeMarkz ang lahat. Ngunit ang kaniyang paborito ay ang kaniyang pagiging coach, kung saan nagkaroon siya ng oportunidad na gabayan ang mga bagong players at tulungan silang maging matagumpay.
Natapos ang episode sa House Party, kung saan naglaro ng beer pong (ngunit suka talaga ito) sina Kaisaya, Guiang Gaming, at MeMarkz habang sinubok ang kanilang in-game knowledge.
Umeere ang Gamer’s Paradise sa social channels ng ONE Esports tuwing Lunes sa Facebook, Twitch, YouTube, at AfreecaTV, 8:30 p.m. GMT+8.