Para paghandaan ang isa sa mga pinakamalaking esports events ng taon, naglabas ang Garena ng Free Fire World Series Special Orchestra theme song – isang nakakabighaning kanta na dedicated para sa lahat ng fans ng sikat na battle royale na larong ito.
Pakinggang ang Free Fire World Series Special Orchestra
Papalapit na ang Free Fire World Series 2021 offline tournament, at para ma-excite ang mga tao, nag-post ang Garena ng isang limang minutong performance mula sa Tokyo Studio Symphony sa Free Fire Theme sa Kanagawa, Japan.
Nakapag-trabaho na ang orchestrator na si Nobuko Toda sa iilang triple-A games tulad ng Metal Gear Solid 4: Guns of the Patriots, Halo 5: Guardians, Final Fantasy XIV, Ghost in the Shell SAC_20145, at Ultraman.
Unang isinulat ang Free Fire theme ni Ludvig Forssel, ang tao sa likod ng themes mula sa Death Stranding, Metal Gear Soliv V: The Phantom Pain, P.T., at iba pa.
Bilang dating audio director at in-house composer para sa Kojima Productions, alam na alam ni Forssel kung paano mag-translate ng isang laro sa isang kanta. Pakinggan ang Free Fire World Series Special Orchestra theme song:
Orchestras sa esports industry
Maraming sikat na titles tulad ng League of Legends at Dota 2 ang sumisiryoso sa kanilang music game, lalong-lalo na sa mga major tournaments.
Ang World Championship (Worlds) ng League of Legends at ang The International (TI) ng Dota 2 ang dalawa sa pinakamalaking esports tournaments na kinikilala sa buong mundo. Ang main themes ng dalawang tournaments na ito ay itunugtog ng isang orchestra. Ang eleganteng classical music ay tunay na naglalabas ng kadakilaan ng mga tournaments na ito.
Ang Free Fire World Series 2021
Malapit nang ganapin ang 2021 Free Fire World Series (FFWS) sa Singapore ngayong buwan. Ang mga pinakamahusay na Free Fire teams mula sa ibang lupalop ng mundo ang lalahok dito.
18 teams mula sa 11 regions ang maglalaban-laban para mapalanunan ang US$2 million prize pool, ang pinakamalaking prize pool ng Free Fire World Series.