I-flex ang inyong suporta sa PSG Talon sa darating na League of Legends MSI 2021 sa pagbili ng bagong Talon merch na nagpapakita ng tatlong cool na pieces pangdagdag sa koleksyon mo.
Talon merch ay nag-extend sa PSG Talon
Ang bagong Talon merch release na ito ay ipinagdiriwang ang Hong Kong-based organization team ng League of Legends na sobrang daming nakakamit na awards tulad ng Pacific Championship Series (PCS) Spring trophy at ang kanilang pag-qualify para sa 2021 Mid-Season Invitational (MSI 2021) sa Reykjavik, Iceland.
Ang tatlong tees ay maaring bilhin, at ito ay may disenyo base sa debut collection ng Talon ngayong Spring at mula sa mga binigay nila sa mga swerteng fans noong nakaraang taon.
Nagpapakita ng bird aerodynamics ang PSG Talon Kinematic tees kasama ang isang digitized cyber HUD interface, para sa isang mga araw na casual at laidback tayo. Ang disenyo sa harap ng shirt ay may nakalagay na “PSG/TLN” para ma-emphasize ang pagkakasunduan ng dalawang organisasyon.
Maari mo itong bilhin sa dalawang neutral colors (black at heather gray) para maari mo itong ipares sa kahit anong damit sa wardrobe mo.
Samantala ang PSG Talon Wings shirt ay nagpapakita ng isang close-up, high-quality na litrato ng pakpak ng ibon. Nangingibabaw ang PSG Talon logo dahil sa pagkaputi ng feathers ng ibon.
Ang tatlong bagong shirts na ito ay available na sa Talon merch website sa halagang US$29 kada shirt.
“With PSG Talon’s success in domestic and international competitions, we have built legions of fans from across the world,” sabi ng co-founder ng Talon Esports na si Jarrold Tham. “This collection is to celebrate those achievements and to invite fans be a part of our journey.”
PSG Talon sa MSI 2021
Nakikipaglaban ang PSG Talon ngayon sa MSI 2021. Isa sila sa top two teams sa Group B na nag-qualify para sa Rumble Stage, isang bagong MSI stage na nagtatampok ng isang double round-robin format gamit ang best-of-one rule sa mga matches.
Haharapin ng PSG Talon ang 2020 Worlds champions na DWG Kia sa Day 1 ng MSI Rumble Stage.