Kung hilig mo ang pagsuporta sa mga professional teams at players, malamang ay meron ka nang ilang esports merchandise sa damitan mo, katulad ng polyester-fitted esports jerseys, hoodies, sumbrero, pati na rin mga face mask na talaga namang essential sa panahong ito.
Muka mang simple ang dating ng mga kasuotan na ito, alam niyo ba na hindi lang basta pagsapal ng team logos at pag-customize ng player names ang mga proseso sa paggawa ng mga esports jersey? May siyensiya sa likod ng bawat desinyo—mula sa print hanggang sa huling tahi, lahat ay kalkulado.
Kinausap namin si Lance Chiu, Chief Design Officer ng Talon Esports, tungkol sa pagdesenyo ng mga esports jerseys. Makasisiguro kang alam ni Chiu kung paano nga ba mag-design ng high-performance athletic apparel dahil dati siyang nagtrabaho bilang Design Director ng Nike Asia Pacific bago sumali sa Talon.
Hindi lang ito basta esports jersey
Ang bawat kilos at galaw ng mga players ay dapat kino-consider sa paggawa ng esports jersey.
“We consider how the player may sit, the way their arms glide across the desk, areas that might need to be cooler or have added comfort; and we design around those parameters to make sure we enhance the players’ game performance,” paliwanag ni Chiu sa ONE Esports.
Ang mga minor at ergonomic na detalyeng ito ay makikita sa debut collection ng Talon Esports “Soar with Talon” na inilabas noong Spring season. Ang kanilang hoodies, halimbawa, ay may butas sa hinlalaki para madali igalaw habang gumagamit ng mouse.
Ang pares ng Kinematic Jogger Pants naman ng Talon ay hindi lang basta pang porma, dahil tinutulungan din nito ang mga players na tumagal sa mahahabang oras ng paglalaro salamat sa matibay nitong tahi.
“So it doesn’t rub on the leg in an uncomfortable way,” dagdag ni Chiu.
Kaya sa susunod na makakakita ka ng kakaibang esports jersey o merchandise, magdalawang-isip ka muna bago mo husgahan ang design nito.
Ang istorya ng Talon Esports, conveyed through style
Sinisigurado rin ni Chiu na nailalahad ng bawat disenyo ang kwento ng Talon Esports, isang esports organization mula sa Hong Kong na itinayo noong 2017. Ipinapakita ng “Soar with Talon” apparel ang mga tamang design elements mula sa graphics, trims, hanggang sa mga kulay na ginamit sa bawat apparel. Ang koleksyon ay sumasalin hindi lang sa pinagdaanan ng bawat Talon players kung hindi pati na rin ang suporta at passion ng kanilang mga fans.
Ang “Soar with Talon” designs ay may bahid ng modern typography at street-savvy aesthetics na naka-print sa solid, neutral colors, at branded ng pulang Talon Esports logo. Ang HUD elements at kinematic data ay inspired mula sa kanilang research tungkol sa siyensiya sa likod ng paglipad ng ibon, bagay na tumatahi sa kanilang mantra ngayong season.
“Being that the ‘talon’ is a bird’s claw, it only felt right to focus on those elements to further the development of our brand equity,” paliwanag ni Chiu. “I thought about our seasonal mantra, ‘Soar With Talon’, and the idea of focusing on the science of that physical journey as a great direction to go with. From there, I began looking into the science of flight and applying the lens of gaming to it.”
Ang mga elements na ito ay makikita rin sa ikalawang merch drop ng Talon Esports kasama ang mga bagong detalye na pinagbibidahan ng League of Legends team ng organisasyon, ang Paris Saint-Germain (PSG) Talon.
“We’ve added small elements that hark back to the league, such as our favorite souls, gaming controls, and, most importantly, our roots which are represented via location coordinates for our teams, country codes, and links to Paris,” sabi ni Chiu.
Si Chiu rin ang nasa likod ng Nike League of Legends Pro League (LPL) 2020 – 2021 esports jerseys.
“I feel that these jerseys especially stood out amongst the pack due to the resources Nike has and the storytelling elements within each jersey,” he remarked. “I’m looking forward to bringing that same design mindset to the Talon esports jerseys in the future,” dagdag niya.
Marami pang exclusive-moment tees at collectible items ang dapat asahan ng mga die-hard Talon esports fans sa mga susunod na araw, katulad na lang ng MSI PSG Talon x Nike tee, isang limited-edition na design na ginawa para i-celebrate ang international Riot Games tournament na ginanap sa Reykjavík, Iceland.
Hindi rito nagtatapos ang kinematic tale ng Talon esports. Lalo na’t sinabi ni Chiu na nilalatag pa lang niya ang pundasyon ng pagkekwento gamit ang porma.
“As we evolve, I see us shifting the focus on the team umbrella into additional game and player-focused capsule collections and rotating amongst that,” he said.
Sa loob ng mga nakalipas na taon, nagkaroon ang Talon Esports ng mga rosters sa iba’t-ibang competitive games gaya ng League of Legends, Arena of Valor, Overwatch, Rainbow Six Siege, Tekken 7, at Street Fighter V.