Kung ikaw ay isang content creator na nagsisimula pa lang sa iyong streaming career, ang GGWP Academy ang perfecet app para sa’yo.

Ang Australia-based gaming startup na ito ay naglunsad ng isang marketplace para matulungang maiugnay ang mga content creators at mga brands. Sa tulong ng mga libreng resources at online courses na magtuturo sa mga content creators ng mga pasikot-sikot ng branding at marketing, makakatulong ang GGWP sa mga streamers na mabuo at kumita sa kanilang career.

Ang GGWP Academy ay para sa mga baguhang streamers at content creators

Sinabi ng Chief Marketing Officer ng GGWP Academy na si Cassie Puah na makakatulong sila sa mga maliliit o baguhang content creators na maabot ang success na narrating ng mga sikat na streamers tulad nina Ninja at Shroud.

“Smaller creators hardly have any visibility online, so we’ve created an education pathway to help them gain sponsorship and opportunities that will lead to a full-time career,” sabi ni Puah. 

Nagbibigay ang GGWP Academy ng libreng beginner-level resources sa branding, goal setting, collaboration, at sponsorships. Ang mga intermediate at advanced users naman ay maaring magbayad ng premium fee para sa sa mas in-depth resources upang mapausad pa ang kanilang career.

Ang platform sa pagitan ng content creator at brands

Sa paglunsad ng GGWP Academy Marketplace, isang platform na lang ang kailangan ng mga content creator at mga brands para sa collaborations, sponsorships, at iba pang opportunities.

Bilang isang content creator, makakatulong ang GGWP creator dashboard para iugnay ang iyong social analytics sa mga posibleng gigs sa iba’t ibang brands. Maihahanap ng match ang content creators ayon sa kanilang GGWP Influencer rank, na matutunan mo sa app.

Bilang isang brand na naghahanap ng partner na content creators, tumutulong din ang GGWP sa management side, gamit ang search capabilities, ROI reports, talent management, at pag-engage sa mga talents.

Sa pagsulong ng #SmarterInfluencer sa gaming at streaming space, tinututruan ng GGWP Academy ang mga creators tungkol sa marketing campaigns at pag-drive ng ROI para sa mga brands, upang mapataas ang level ng professionalism para sa mga maliliit na content creators.

Nabuo ang GGWP Academy dahil sa suporta ng isang ina sa kanyang anak na pro player

Sinimulan ng GGWP CEO and Founder na si Jax Garrett ang platform noong 2018 upang matulungan ang kanyang anak na si Max “Orange Ocelot” Garrett, isa sa mga pinakabatang esports pro at YouTube creator sa Australia.

Culture GGWPAcademy
Screenshot by Mika Fabella/ONE Esports

Dahil sa communication background ni Jax Garrett, lumaki ang GGWP mula sa isang passion project hanggang sa isang full-time business na may mga partner brands tulad ng LogitechEA Games, at Warner Music.

“We are already working with our brand partner Logitech and approximately 20 other brands to deliver gigs to gamers globally in the coming two months and the diversity of campaigns is astounding,” kwento ni Garrett. “From headphones to games publishers, sneakers to streetwear and snacks to supplements, we are bringing brands to gaming.”

Available ang GGWP Academy sa Google Play at App Store. Bisitahin din ang kanilang website para sa iba pang impormasyon at updates tungkol sa GGWP Academy.