Inilathala ng ONE Esports PH ang pilot episode ng ONE v ONE with the Great One, isang video podcast kung saan itinatampok ng host na si Caisam “Wolf” Nopueto ang mga tanyag na personalidad sa larangan ng esports.

Bumida ang esports talent at back-to-back best shoutcaster ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League – Philippines na si Manjean Faldas sa unang episode ng podcast. 

MPL-PH Season 6 Caster of the Season: Manjean Faldas
Credit: MPL-Philippines

Manjean Faldas sa ONE v ONE with the Great One

Manjean Faldas sa unang episode ng ONE v ONE with the Great One

Sinimulan ni Wolf ang usapan tungkol sa content creation. Kinumusta niya kung paano napadpad siya sa mundo ng content creation bukod pa sa pagiging shoutcaster nito.

Napagusapan din nila ang ‘power’ ng pagsha-shoutcast, ang paglago bilang caster, kung paano niya hina-handle ang mga kritisismo, pati na rin ang pinagkaiba ni Manjean F. Faldas kay Manjean Faldas.

Nagbigay din ang tanyag na caster ng ilang tips at paalala para sa mga aspiring casters, katulad nito:

“Practice is your best friend.”

Bago talakayin ang paparating na season ng MPL-PH, napagusapan din nila kung saan nagmula at paano nabubuo ang mga iconic nilang linya katulad ng “walang minions”, “isang one hit na lang”, at “UBE”.

Mapapanood ang buong unang episode ng ONE v ONE with the Great One kasama si Manjean sa official Facebook page ng ONE Esports PH.

[EPISODE 01] ONE v ONE with the GREAT ONE with MANJEAN FALDAS

PILOT EPISODE ng ONE v ONE with the Great One! Ka 1v1 ni Wolf Casts si Manjean Faldas at usapang shoutcasting tayo ngayon!

Posted by ONE Esports Philippines on Wednesday, July 21, 2021