May isang paaralan sa South Korea na naging matunog sa mga headlines kamakailan dahil sa kakaiba nitong teaching material – isang esports textbook.

May esports textbook na ang South Korea

LeagueofLegends LuxAbilitiesEsportsTextbooks2
Credit: u/Cereal_Chicken

Isa sa mga dahilan kung bakit kilala ang South Korea ay dahil sa mga maalamat na esports players na nagmula dito, tulad nina Lee “Faker” Sang-hyeok ng League of Legends, Jae-Min “Knee” Bae ng Tekken, at Lee “Flash” Young Ho ng Starcraft II.

Hindi nakakagulat kung bakit ang kanilang pamahalaan at mga intitusyon ay nagsusumikap na sumuporta at mapangalagaan ang esports scene at mga athletes nito.

Ayon sa Redditor na si u/Cereal_Chicken, ipinakilala na sa bansang ito ang esports curriculum kung saan may inilabas nang textbook na pinamagatang “Highschool Esports Practices”. Ito ay isinulat nina Choi Eun-Kyung at Lee Yoo-chan.

LeagueofLegends HighSchoolEsportsPractices
Credit: u/Cereal_Chicken

Ang libro ay nahahati sa apat na major chapters: kasaysayan at pagkabuo ng esports, esports genres at mga tournaments, mga konsepto ng game titles, at pag-unlad ng mga gamers bilang professional esports athletes.

LeagueofLegends EsportsTextbook
Credit: u/Cereal_Chicken

Ang libro ay naka-focus sa apat na pinakasikat na games sa Korea: League of Legends, PlayerUnknown’s Battlegrounds (PUBG), Starcraft, at FIFA. Dagdag pa dito, itinuturo din sa textbook ang mga basic concepts ng mga in-game characters.

May bahagi rin sa esports textbook na nagpapaliwanag ng skill ng mage champion na si Lux ng League of Legends, binabanggit din dito ang mga top lane champions na sina Garen, Vladmir, at Camille.

Esports bilang isang school curriculum

LeagueOfLegends LCK_2021 Summer Week5 T1 Faker POG Interview
Credit: LCK Flickr

Bukod sa South Korea, may ilang mga bansa na rin ang nagdagdag ng esports sa kanilang academic curricula tulad ng Denmark, Finland, at Philippines.