Sinamahan ng kanyang partner na si Tyson “TenZ” Ngo ang sikat na Twitch streamer na si Kyedae Shymko sa isang livestream kung saan sinubukan nilang magluto ng isa sa mga paboritong putahe ng mga FIlipino, ang chicken adobo.

Ang Kyedae Friday’s Cooking Show ay isang segment sa kanyang channel kung saan tampok ang streamer at ang kanyang Valorant pro player boyfriend na nagluluto at naghahanda ng iba’t ibang pagkain.

Nakapagluto na sila ng curry, sea urchin, at nag-bake ng cake sa stream, at sinamahan din sila ng kapatid ni Kyedae na si Sakura Shymko sa kanilang fish tacos episode.

Ano ang chicken adobo?

Gaming ChickenAdobo
Credit: Flickr

Ang adobo, na nagmula sa Spanish word na “adobar,” ay nangangahulugang “vinegar-braised.” Ito ay isang putaheng Pinoy na may karne, seafood, gulay, na sinasamahan ng bawang, toyo, at suka.

Ang pinakasikat na version nito sa mga Filipino ay ang chicken-pork adobo, isang uri ng adobo na may dalawang klase ng karne.

Ang version na ito ay kadalasang kinakain isang araw matapos ang pagkakaluto para mas manuot ang lasa sa karne, ihinahain ito na may kasamang mainit na kanin.

Paano nagluto ng chicken adobo sina Kyedae at TenZ?

Gaming KyedaeTenZChickenAdobo
Credit: Kyedae
Screenshot by Nigel Zalamea/ONE Esports

Sa kanilang cooking stream, inisa-isa nina Kyedae at TenZ ang mga sangkap na kanilang gagamitin kung saan binanggit nila na sobrang importante ng bawang.

“They said, ‘the more garlic, the better,’ and I’m not going to disappoint the Filipinos,” sabi ni Kyedae.

Kyedae and TenZ’ chicken adobo recipe:

  • Canola oil
  • Suka
  • Sibuyas
  • Bawang (organic)
  • Dahon ng Laurel
  • Pamintang buo
  • Green onion
  • Brown sugar (Canadian)
  • Knorr cube (chicken)
  • Chicken thighs (organic)

Kyedae and TenZ’ chicken adobo cooking steps:

  1. Initin ang mantika sa kawali, igisa ang bawang at sibuyas.
  2. Ilagay ang manok sa kawali, i-sear ang lahat nang sides hanggang maging brown ang balat ng manok.
  3. Maglagay ng suka, toyo, at tubig.
  4. Maglagay ng dahoon ng laurel, paminta, at Knorr cube.
  5. Lakasan ang apoy hanggang sa kumulo. Hinaan ang apoy at hayaang patuloy na kumulo. Huwag tatakpan ang kawali.
  6. Hayaang kumulo ng 10 minuto.
  7. Tanggalin ang manok sa sauce at iprito sa hiwalay na kawali hanggang mag-brown.

Tama ba ang pagkakaluto nina Kyedae at TenZ ng Filipino chicken adobo?

Gaming KyedaeTenZChickenAdobo
Credit: Kyedae
Screenshot by Nigel Zalamea/ONE Esports

Bilang isang Filipino na mahilig sa adobo, mukhang maayos naman nilang nailuto ang putahe. Nagustuhan ko na pinag-usapan nila ang bawat sangkap at pinagtalunan ang tamang sukat ng bawat isa.

Mukhang sapat ang oras ng pagkakaluto ng kanilang chicken adobo upang manuot ang sauce sa karne. Kung ako ang magluluto, papakuluan ko ng ilang minute ang adobo nang nakatakip ang kawali. Para maging malapot ang sarsa at maging mas malasa ang manok.

Narito ang link ng orihinal na katha.