Na-ban ang account ng isa sa mga pinakasikat na Mobile Legends: Bang Bang streamer na si Hypebit$ dahil umano sa cheating. Ngunit itinanggi naman ni Hypebit$ ang mga ito, dahil sabi niya, naka-livestream siya at imposibleng mag-cheat sa isang livestream dahil ipinagbabawal ito lalong-lalo na para sa isang content creator na tulad niya.
“Ang nangyari kaso noon, nung na-1 hit ko yung kalaban ko, o yung Hanabi at that time, nireport nila ako. Yung kalaban mismo, nireport nila yung account ko, actually ang nangyari talaga don is nagdisconnect yung account ko kasi parang nagkaron siya ng cooldown kasi nireport nila as cheating. Pero hindi talaga siya totally na-ban, na-ban siguro siya ng saglit lang,” sabi ni Hypebit$.
Dagdag pa niya, nagalit ang mga fans at followers niya sa nangyari.
“Nabadtrip rin sila, nagalit kasi hindi ko nagamit yung account ko. Nagalit sila sa nakalaban ko kasi wala naman akong ginawa, alam naman nila eh, nanood sila, nagupload ako ng video and wala namang nagsabi na nagchicheat talaga ako,” ani ni Hypebit$.
Ngunit mayroon namang positibong resulta ang mga nangyari.
“Pero nakakatuwa, in a way na na-appreciate nila lalo yung paglalaro ko ng M: at that time kasi parang ang pumasok sa isipan nila, ‘sobrang galing mo kaya ka na-rereport’ mga ganong comments nababasa ko most of the time,” ani niya.
Inudyok rin ni Hypebit$ ang mga players ng Mobile Legends na huwag na huwag mag-cheat sa laro.
“Mag-chi-cheat ka sa game, magmamapa ka, madadamage ka, pero panandalian lang siyang happiness. And always look forward lang din sa long-term kasi sabihin natin for today, ang saya saya mo kasi di ka lumalaban ng patas sa mga kalaban mo pero at the end of the day, ang magiging exchange don is ma-baban yung account mo so hindi talaga siya worth it. Sayang yung mga oras na nilaro nila sa mga accounts nila so ‘wag na ‘wag nilang gagawin yun, mag-cheat. Most especially map hack.”