Kung trip mong humigop ng mainit na kape habang naglalaro, ang bagong coffee shop ng Tim Hortons na ‘to ay tiyak na para sayo.

Tim Hortons x Tencent esports-themed coffee shop, bukas na

Esports-themed coffee shop ng Tim Hortons
Credit: Daniel Ahmad

Nagsanib pwersa ang Canadian coffee chain na Tim Hortons at Chinese company na Tencent para i-launch ang espesyal na cafe para sa mga esports fan.

Bukod sa mga classic na matatagpuan sa menu ng Tim Hortons, gaya ng double-doubles at Timbits, magse-serve din daw ang naturang cafe ng themed drinks ayon sa analyst na si Daniel Ahmad.

Ang unang branch ng kanilang collaboration ay bukas na sa Shenzhen, isa sa mga major city ng China.

Esports-themed coffee shop ng Tim Hortons
Credit: Daniel Ahmad

May dedicated esports zone ang nasabing branch na kumpleto sa gaming chair, TV screen na nagpapalabas ng mga laban, pati na rin trophies (para pang-IG)!

Esports-themed coffee shop ng Tim Hortons
Credit: Daniel Ahmad

Meron ding interactive table na nagpapakita ng mga player at team information, pati na rin statistics.

Ang Chinese esports scene

Heaven 'to para sa mga esports fan na coffee lover!
Credit: Perfect World

Malaki ang industriya ng esports sa China. Maraming bantog na koponan at organisasyon ang mula dito, kabilang na sa mga MOBA titles gaya ng Dota 2 at League of Legends. Ilan sa mga ito ay ang Invictus Gaming, PSG. LGD, at Royal Never Give Up.

Bukod dito, ang MOBA title ng Tencent na Honor of Kings (o kilala internationally bilang Arena of Valor) ay isa rin sa mga sikat na laro sa nasabing bansa na may 100 million daily active players.


Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na article sa matatagpuan dito.