Kakaibang level ng pagiging fan ang ipinakita ng Redditor at Valorant player na si hehethatfunny nang mag-upload sya ng clip kung saan ginagaya nya ang Recon butterfly knife animation sa totoong buhay.
Kasabay ng pagdating ng bagong skin collection ay ang pagdating ng kauna-unahang butterfly knife melee in-game na matagal nang hinihintay ng mga fans. Ang kakaiba sa knife na ito ay ang flashy na inspect at pull-out animation nito.
Valorant player hehethatfunny ipinaliwanag ang Recon butterfly knife animation
Inilista ni hehethatfunny ang mga moves na kanyang ipinakita sa makling video na pinost nya sa Reddit.
- Behind the 8 Ball
- Index Rollover
- Whip Rollover
- Shortstop
- Backhand close
“Be careful if you’re going to attempt this,” babala nya, dahil delikado at maaari kang masaktan sa paggaya ng mga tricks na ito.
Ano ba ang butterfly knife at bakit ito sikat?
Ang balisong, o mas kilala sa tawag na butterfly knife, ay isang uri ng folding pocket knife o switchblade na nagmula sa Pilipinas.
Matagal nang hinihintay ng Valorant community ang pagdating ng Recon buttefly knife dahil ang malaking bahagi ng community ay nagmula sa paglalaro ng Counter-Strike: Global Offensive, kung saan ang butterfly knife ang isa sa pinakabihira at pinakamahal na knife sa larong iyon.
Ang ibang butterfly knives sa CS:GO ay nagkakahalaga ng halos US$1,700.
Gustong-gusto ng mga Valorant at CS:GO players ang knife animation dahil sa angas nito kumpara sa ibang melee weapon selection ng Riot Games.
Ilang oras matapos ang release ng bagong skin collection, nag-ulat ang Riot Games na nagkaroon ng problema ang kanilang store dahil sa dami ng mga players na gustong bumili ng Recon butterfly knife.
Mabibili ang Recon butterfly knife sa Valorant game store sa halagang 3,550 VP (Valorant Points). Ang buong Recon skin line ay nagkakahalagang 7,100 VP.