Minsan, okay din maging kontrabida, ‘no? At hindi lang basta kontrabida kundi kontrabida ng anime series na Naruto.
Inanunsyo ng Team Liquid ang paglabas ng kanilang Akatsuki collection, na nag-uumapaw sa angas tulad ng kakila-kilabot na grupo.
Narito ang unang pagsilip sa Team Liquid x Naruto Akatsuki collection, kasama ang release dates, prices, at kung saan mabibili.
Ang Akatsuki collection ang ikalawang Naruto capsule ng Team Liquid
Ang limited-edition drop ay katatampukan ng 20 high-quality, fully custom streetwear at mga accessories patungkol sa mga kontrabida ng anime series.
“For our sophomore Liquid x Naruto drop, we were attracted to the energy of Akatsuki, these iconic antagonists who shaped the series’ narrative,” sabi ng Global VP of Apparel and Commerce na si Travis Anderson.
“Our pieces meld the roguish, independent spirit of Akatsuki with Team Liquid’s competitive drive,” sabi ni Travis. “We’re very proud of this collection, and we know that fans across esports, anime and gaming will love it too.”
Kasama sa mga hindi dapat palampasin sa collection ay ang Tsukuyomi Itachi Packable Tech Jacket at ang Chenille Cloud Pullover Hoodie. Saktong-sakto ang mga ito sa darating na taglamig, at siguradong makukuha nito ang atensyon ng kahit sinong anime fan, lalo na pag nakita nila ang malaking pulang ulap na print nito,
Mayroon ding mga tees ang Akatsuki collection bilang pagkilala sa Six Paths of Pain ni Nagato.
Six Paths of Pain
- Deva Path
- Asura Path
- Human Path
- Animal Path
- Preta Path
- Naraka Path
Available din ang mga Akatsuki-themed na pang-ibaba. Ang tech shorts na ito na maraming bulsa ay bagay para sa mga itinatago mong kunai.
Presyo ng Team Liquid Akatsuki collection
Hindi pa inilalabas ang presyo ng merchandise. Ngunit kung pagbabasehan ang anunang Naruto collection gn Team Liquid, tinatayang nasa US$35 hanggang US$100 ang presyo ng Akatsuki collection merchandise.
Tungkol naman sa availability, sinabi ni Chief Business Development Officer Mike Milanov na maraming stocks para sa mga NA at EU fans.
“We upped inventory by more than ten times this time — no preorder into production, we have both EU/NA warehouses stocked for this one and are confident about the availability,” ayon kay Milanov.
Release date ng Team Liquid Akatsuki collection
Ang Akatsuki collection ay ilalabas sa Sabado, October 30, 3:00 a.m. GMT+8.
Saan mabibili ang Team Liquid Akatsuki collection
Para sa mga anime at esports fans, hindi nyo dapat palampasin ang collection an ‘to!
Mabibili ang official merchandise sa website store ng Team Liquid. Ang collection ay magiging available sa United States, Canada, at Europe.
Para sa iba pang esports at anime merchandise, i-follow sila sa Twitter para sa marami pang update.
Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.