Pinangarap mo ba makakita ng Mondstadt idol sa totoong buhay? Ngayon, maari mo na itong gawin sa bagong tayong Barbara 3D billboard!
Pinapakita sa virtual billboard na ito ang isa sa mga pinakasikat na characters sa open-world gacha game ng miHoYo, ang Genshin Impact.
Nagdiriwang ang larong ito sa kaniyang unang anibersaryo matapos ang kaniyang opisyal na global release noong September 28, 2020.
Tignan ang higanteng Barbara 3D billboard na ito
Pwede mo nang tignan ang isang makatotohanang Barbara 3D billboard sa Chengdu, China. Nagpost ang Redditor na si u/SypeArtz ng isang short clip ng virtual billboard na kung saan makikita ang napaka-cute na four-star support character na si Barbara.
Nagsimula ang animation sa pagbukas ng kurtina ni Barbara at ang kaniyang pag-stretch na parang kagigising niya lang. Tapos makakita siya ng mga lumalakbay at babatiin niya ang mga ito.
Pagtapos niyan, may dadapong crystalfly sa kaniyang kamay at ito ay magiibang anyo at magiging isang Anemo Box tulad sa isa sa mga rewards na binigay noong Marvelous Merchandise event.
Nagtapos ang Barbara 3D billboard animation sa paglabas ng Genshin Impact anniversary art card na nagpapakita sa tatlong Archons, Paimon, at ang traveler twins. Maari mong panoorin ang buong animation dito.
Ang konsepto ng virtual billboard na ito ay katulad ng 3D cat billboard sa Japan na makikita sa mga maraming advertisement spots sa Shibuya.
Sino ba si Barbara sa Genshin Impact?
Si Barbara ang Hydro catalyst healer ng laro. Siya ay isang regular sa Mondstadt cathedral at pinupuro niya si Barbatos, ang Anemo Archon. Siya rin ay isang idol na kumakanta at sumasayaw sa City of Freedom.
Kapatid din siya ni Jean, ang Acting Grand Master ng Knights of Favonius ng Mondstadt.
Ang idol na si Barbara ay sikat sa player fanbase ng laro, lalong-lalo na’t siya ang isa sa pinakaunang characters na nakatanggap ng Genshin Impact skins. May isang fan pa na nag-cosplay bilang Barbara habang nagpapabakuna sa isang vaccination site.