Ilang Arcane Jinx cosplays ang nag-iwan ng matinding impression sa League of Legends community. Merong mukhang nanggaling mismo at nabuhay mula sa Netflix anime series, habang meron din namang dinala sa ibang lebel ang kanyang League of Legends cosplay gamit ang isang frame-by-frame skit.
Sa pagkakataong ito, pinabilib ni HaneAme ang mga fans sa kanyang napakadetalyadong Arcane Jinx cosplay.
HaneAme ginaya ang official League of Legends splash art sa kanyang Arcane Jinx cosplay
Si HaneAme na ata ang isa sa mga pinakadedikado at masipag na cosplayers sa industriya.
Inabot ng limang araw ang paggawa ng kanyang Arcane Jinx cosplay, o humigit-kumulang 120 oras. Nag-craft din sya ng mga weapons ni Jinx, kabilang ang rocket launcher ng character na Fishbones, ang kanyang mini gun na Pow-Pow, pati na rin ang kanyang Zapper.
Pininturahan nya rin ang kanyang background para sa kanyang cosplay photoshoot at makikita ito sa kanyang Instagram account. Kasama sa kanyang mga drawings ang monkey graffiti ni Jinx na makikita sa episode 4 ng series.
Gustong-gusto namin ang kanyang pag-recreate ng Arcane Jinx splash art kugn saan pinapakita ang character na nakatayo sa Piltover bridge.
Dagdag pa dito ay nag-cosplay rin sya ng League of Legends version ni Jinx.
Bukod kay Jinx, nag-cosplay rin si HaneAme ng ibang League of Legends champions tulad nina K/DA Evelynn at Spirit Blossom Ahri.
Makikita ang kanyang mga cosplays sa kanyang Instagram at Twitter accounts.
Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.