Malapit nang matunghayan ang real life Straw Hat Pirates salamat kay Eiichiro Oda at sa live-action adaptation ng Netflix sa sikat na anime series na One Piece.
Nakilala na natin ang cast ng bida na bubuo sa palabas, pero paano naman ang kanilang mga makakalaban?
Para sa unang season ng palabas, isinabuhay ng production ang isa sa mga ship sa One Piece—ang Miss Love Duck ng Alvida Pirates. Ang Alvida Pirates ang unang nakalaban nina Luffy sa anime.
Sakay na sa ‘Miss Love Duck’ ship ng Netflix
Kung ang filming set lang din naman ang pagbabasihan, mukang ‘di nagtipid ang Netflix para maisagawa nang maayos ang live-action series ng One Piece. Gumawa kasi mismo ang streaming and production giant ng life-sized version ng One Piece ship na Miss Love Duck.
Kapansin-pansin din ang pagkakapareha ng gawa nito sa bersyon ng anime. Mapapansin ang mga puso sa bawat sail, pati na rin ang malaking ulo ng bibe.
Bagamat makikitang hindi pa tapos itayo ang naturang barko ayon sa fan video na pinost ng Twitter user na si Bantu King, sapat na ‘to para lalong ma-excite ang One Piece fans sa paparating na live-action series.
May nakakita rin sa Going Merry, isa pang One Piece ship, sa parehong filming set kung saan nakuhaan ang Miss Love Duck.
Matatagpuan ang live-action series se ng One Piece sa loob ng Cape Town Film Studios sa South Africa. Ani Tomorrow Studios producer Marty Aldestein, ang proyektong ito raw ay maaaring makapagtala ng bagong record sa “highest production cost in television drama history.”
Miss Love Duck, ang isa sa mga pinaka-unang One Piece ship sa anime
Ang Miss Love Duck ang unang ship na pagmamay-ari ng Alvida Pirates, na pinangungunahan ng babaeng pirate na si Alvida. Tanyag siya sa paggamit ng iron mace, na kanyang ginamit para labanan si Luffy.
Bukod dito, kilala rin si Alvida dahil sa paniniwala niyang siya ang pinakamagandang babae sa buong seven seas.
View this post on Instagram
Para sa karagdagang impormasyon, maaaring i-follow ang opisyal na Instagram account ng One Piece live-action.
Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.