Naglabas ng magkahilaway na pahayag ang esports organizations na Natus Vincere at Team Spirit tungkol sa nakakatakot na sitwasyon sa Ukraine dala ng paglunsad ng Russia ng military invasion dito.
Kinondena ng NAVI at Team Spirit ang nangyayaring digmaan sa pagitan ng dalawang bansa at nanawagan para sa kaligtasan ng mga tao sa Ukraine.
Madalas na nagtatampok ang CIS esports organizations tulad ng NAVI at Team Spirit ng mga talentadong manlalaro mula sa parehong Ukraine at Russia sa Dota 2 at Counter-Strike: Global Offensive (CSGO). Sa katunayan, ganito ang komposisyon ng Dota 2 at CSGO teams ng NAVI sa kasalukuyan maging ang The International 10 champion squad ng Team Spirit.
Nagsimula ang paglusob ng pwersa ng Russia sa Ukraine noong ika-24 ng Pebrero pagkatapos ng isang speech ni Russian president Vladimir Putin at bilang reaksyon ay nagdeklara naman ng martial law si Ukrainian president Voldymyr Zelenskyyy.
Nag-release ng statement ang NAVI at Team Spirit tungkol Russia-Ukraine conflict
NAVI: “Impossible to pretend that everything is okay”
Sa pahayag ng Natus Vincere, na itinayo at naka-base ngayon sa Ukraine, sinabi nito na imposibleng magpanggap na okay ang lahat kapag hindi naman talaga.
“Our main goal right now is to try to stay calm and take care of ourselves, our loved ones, and those who need help. We are all together in this. And together we’ll get through it,” saad ng NAVI.
(Ang pangunahing layunin natin ngayon ay subukan na manatiling kalmado at alagaan ang ating mga sarili, mga mahal sa buhay at mga nangangailanga. Magkakasama tayong lahat dito at sama-sama natin itong malalampasan.)
Sa gumugulong na CSGO tournament na IEM Katowice 2022, nag-deliver ng isang emotional speech si NAVI star player Oleksandr “s1mple” Kostyliev tungkol sa nagaganap sa Ukraine.
“All of us want peace for Ukraine and for the whole world,” wika ni s1mple. (Lahat tayo ay gusto ng kapayaan para sa Ukraine at sa buong mundo.)
Bilang isang koponan na binubuo ng Ukrainian at Russian pros, nais din ni s1mple na magsilbi silang mabuting ehemplo.
Team Spirit: “There is nothing worse than war”
Inihayag naman ng Russian organization na Team Spirit na wala nang mas malala pa kaysa sa isang digmaan.
“Some of our players and employees are in Ukraine at this time. Many of us have families, relatives, loved ones, and friends there. We are worried about their lives and safety,” ani ng Team Spirit, na matatandaang pinuri ni Vladimir Putin matapos magwagi sa TI10.
(Ilan sa aming manlalaro at empleyado ay nasa Ukraine ngayon. Marami sa amin ay may pamilya, kamag-anak, minamahal at kaibigan doon. Nag-aaala kami para sa kanilang buhay at kaligtasan).
“We are against war, and we are against violence. If thousands of human history taught us anything it’s that peace is the only thing worth holding on to,” dagdag pa nito.
(Kinokondena namin ang giyera at karahasan. Kung may isang mahalagang itinuro sa atin ang mahabang kasaysayan ng tao, ito ay ang aral na tanging kapayapaan lang ang karapat-dapat panghawakan.)
Hango ito sa artikulo ni Dexter Tan Guan Hao ng ONE Esports.