Kung hindi tumatambay kasama si James Bond o nag-shoshoot ng G FUEL commercials, muli’t-muling pinapatunayan ng Nuke Squad, ang Call of Duty Warzone group ng FaZe Clan na sila ang future style icons sa industriya.

Bilang panimula sa kanilang style upgrade ngayong taon, nagtungo ang grupo sa CoolKicks, isa sa mga sikat an tindahan sa Los Angeles, California na nagbebenta ng limited edition clothing at sneakers.


Bumili ang Nuke Squad ng US$5,000 sneakers sa CoolKicks

Unang tumungo sa backroom si Kris “Swagg” Lamberson para tumingin ng rare pairs. Bagamat suot na ang walastik na Nike Air Jordan 1 Dior and Travis Scott pair, kita pa rin ang gigil ng Warzone streamer na makakuha ng bagong adisyon sa kaniyang lumalawak na sneaker collection.

Kaya naman hindi na nagatubili ang may-ari ng store na si Adeel “champagnepaki” Shams na ilabas ang diamond finds para kay Swagg. Bagamat mas maliit ang size ng Europe-exclusive na Off-White Nike Air Jordan 1 White kay Swagg ay tama lang daw ang sukat nito sa kaniya. Hindi na nag-alinlangan pa ang streamer na kinuha na agad ang sneaker na ayon sa StockX ay nagkakahalaga ng US$4,900.

Sa kabilang banda naman, nanatili sa casual look ang FaZe Clan member na si Ean “Booya” Chase na kinuha ang Nike Air Max 1/97 Sean Wotherspoon na tipikal na nakukuha sa presyong US$1,500. Karugtong ito ng sinabi ni Booya na big fan daw siya ng simpleng aesthetic ng Air Max.

Sina Jordan “JSmooth” Cox at Dante “Santana” Santana naman, parehong miyembro din ng Nuke Squad, ay kumuha ng Nike Air Jordan 4 Retros, bagamat magkaibang colorways. White na ‘What The’ ang kinuha ni Santana, habang university blue na ‘Cactus Jack’ ang na-cop ni JSmooth. Aniya, noong 2018 pa niya gustong bilhin ang pares na ito.


CoolKicks vs FaZe Clan basketball game?

Screenshot ni Joseph Asuncion/ONE Esports

Kilala ang CoolKicks sa kanilang gimik kung saan susukatin nila ang gilas ng kanilang mga guests sa basketball. Kaya naman noong tumikada si Swagg at JSmooth matapos mag-check out ay agad na nag-aya si Shams na magkaroon ng CoolKicks vs FaZe Clan exhibition game.

Hindi basta-basta ang mapapanalunan ng Nuke Squad kung magkataon. US$10,000 worth ng CoolKicks store credit ang nakataya dito. Oo.Panoorin ang kumpletong video dito:

Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook!

BASAHIN: Ang pinakamatinding STG44 class sa Call of Duty Warzone, ayon kay FaZe Booya