Hindi lang isang Genshin Impact whale ang Filipino celebrity na si Alden Richards, ngunit malaki rin siya gumastos pagdating sa Demon Slayer figures. Ibinunyag ng akto ang kaniyang bigating kolesyon ng figures ng anime series ng Ufotable sa kaniyang Instagram stories. 

Ito ang mas malapit na silip sa mahalagang resin statues at anime figures ni Alden. 

Pinapakita ng Demon Slayer figure collection ni Alden Richards kung gaano siya kalaking fan ng anime 

Alden Richards Demon Slayer collection
Credit: Alden Richards

Ginulat ni Alden ang buong Philippine anime community sa kaniyang bagong Instagram story, kung saan nag-selfie siya, at sa likod ay isang view ng kaniyang sariling resin statues mula sa anime series na Demon Slayer (Kimetsu no Yaiba). 

Nasa loob ng dalawang malaking kabinet ang collection niya, ayon sa mga litrato ng local toy store na Toy Shop Manila. Nagmamay-ari si Alden ng 20 pieces ng 1/6 sale resin statues, at ang pinakamurang statue ay may halagang US$287 (PH₱15,000). 

Ang pinakamahal na figure sa display ay si Rengoku Kyoujurou vs Akaza resin ng LX Studios na may halagang US$1,050 (mga nasa PH₱55,000). Ang espesyal na resin statue na ito ay gumagamit ng LED lighting, katulad ng isa sa mga pinaka-epic na laban sa franchise nina Rengoku Kyoujurou ng Demon Slayer Crops at isang demonyo na may pangalan na Akaza. 

Top 5 na pinakamahal na Demon Slayer resin statues ni Alden 

USD PRICE PHP PRICE RESIN STATUE MANUFACTURER SCALE 
US$1,050 PH₱55,000 Rengoku Kyoujurou vs Akaza with LED LX Studios 1/6 
US$738 PH₱39,000 Giyuu Tomioka advanced version TNT Studios 1/6 
US$660 PH₱34,000 Mitsuri Kanroji Magic Cube Studios 1/6 
US$619 PH₱32,000 Tsuyuri Kanao Magic Cube Studios 1/6 
US$600 apiece PH₱31,000 apiece Shinobu Kochou 
Nezuko Kamado 
Magic Cube Studios 1/6 

Mayroon din siyang mas maliit na chibi-style figures ng mga bida na sina Tanjiro Kamado, Nezuko Kamado, at Zenitsu Agatsuma na may halagang nasa US$112 (PH₱6,000) at US$217 (PH₱11,000). 

Sa unang tingin pa lang sa anime figures na ito, ang full collection ay may halagang higit US$11,000 o mga nasa PH₱570,000. 

Ang display cabinet ni Alden ay nasa kanan ng kaniyang gaming PC na may halagang PH₱500,000 kung saan naglalaro siya (at nag-wha-whale) ng mga laro tulad ng Genshin Impact.