May mga taong batang computer shop. Ngunit mayroon ding mga tao na nahulog ang loob sa gaming dahil sa isang hindi inaasahang pangyayari. 

Isa na si Andrea Hizon a.k.a Call of Duty Mobile streamer Hiz doon. Isa siyang estudyanteng naging gamer dahil sa pandemya. Nag-aaral dati sa University of Santo Tomas, kinuha niya ang kursong Accountancy ngunit hindi ito ang nasa puso niya.  

CODM Hiz
Credit: Hiz

“Parang yung course ko which is Accountancy, hindi talaga siya gusto ng puso ko then nakita ko pa yung love ko sa streaming so sabi ko, ta-try ko to. And then buti nalang nag-work out siya for me and my family din,” ani ng pandemic streamer. 

Ang leap of faith ni Hiz 

CODM Hiz
Credit: Hiz

Isang leap of faith ang ginawa ni Hiz, dahil kinailangan niyang iwan ang kaniyang pag-aaral para sa kaniyang streaming career. Ngunit isa itong desisyon na hindi kailanman niyang pagsisisihan.  

“Sobra na-pressure din ako to think na I had to give up something for this career. So parang may pressure sa akin na kapag nag-fail ako dito, parang I failed both academics and yung [pag-aaral ko.] So na-pressure ako pero yung pressure na na-feel ko na ‘yun is ginawa kong motivation to really grind for streaming and sobrang naging effective ‘yun sa akin,” sabi niya.  

“So parang risk [siya] pero it’s a risk na kahit ulit-ulitin I-ta-take ko talaga nang I-ta-take kasi sobrang masaya ako sa ginagawa ko,” sabi niya. 

CODM Hiz
Credit: Hiz

Dagdag pa niya, ang mga supporters at fans niya ang hinuhugutan niya ng lakas para magpatuloy sa kaniyang streaming career.  

“Yung supporters ko talaga yung una kong maiisip, na ang daming naghihintay sayo, gumising ka nang maaga, gigising sila nang maaga para panoorin ka. Parang sila yung pinakahuling tao na gusto ko ma-disappoint. So talagang sobrang importante sakin yung iniisip nila and pagaabang nila sakin, sobrang na-appreciate ko [‘yun],” sabi niya. 

Sundan ang ONE Esports sa Facebook para sa karagdagang balita tungkol sa mga paborito mong CoDM streamers.