Lahat ng tao ay magsisimula sa isang lugar. Bago pa man sila naging cosplay royalties, nagsimula sa maliit ang mga Tier One cosplayers na sina Hakken, Shunsuke, at Knite sa kanilang mga unang cosplays.
Sa iasng live Q&A sa Facebook noong March 15, bumalik sa nakaraan ang tatlong Tier One Entertainment cosplayers para pagusapan ang mga unang araw nila sa industriya, pati na rin ang mga unang characters na cinosplay nila.
Ibinunyag ng mga Tier One cosplayers na sina Hakken, Shunsuke, at Knite ang unang cosplay nila
Bago pa man sumikat ang mga ready-made costumes at online shopping, umasa ang mga cosplayers noon 2010s sa kanilang pagiging malikhain at madiskarte. Sina Hakken, Shunsuke, at Kite ay nahirapan sa kanilang mga unang cosplays noong mga unang araw ng industriya.
Ang cosplay debut ni Shunsuke ay ang sexy student vampire na si Zero Kiryu ng Vampire Knight anime series. Dahil kaunti lamang ang mapapagpilian sa rehiyon ng Europa, nakaranas ang Swiss cosplayer ng sizing issues noong bumili siya ng costumes online.
“I was 12 years old,” sabi niya. “I had a child body so finding the right size was impossible, so I ended up with a really huge costume.”
Ang pinakamahirap na pagsubok naman para kay Knite ay ang kakulangan ng mga wig styles noon cinosplay niya si Blue Arcobaleno Holder Colonnello ng Katekyo Hitman Reborn.
Para ma-solusyonan ang problemang ito, kinulayan nila ang kanilang base wig gamit ang mga copic markers, at kinulayan nila ang bawat hibla ng buhok hanggang sa nakuha nila ang tamang kulay ng character.
“Not everyone’s got AliExpress, e-Bay, or Taobao,” sabi ni Knite. “I kid you not, cosplayers in this time are so lucky.”
Ngayon, mga specific at kumpletong costume sets ay maari nang ma-pre-order sa sikat na Chinese websites na AliExpress at Taobao, pati na rin sa global website n e-Bay.
“During our time, we have nothing basically,” dagdag ni Hakken.
May isang punto pa na naging best friend ni Hakken ang mga markers noong cinosplay niya si Itachi Uchicha ng Naruto. Inamin ni Hakken na wala siyang alam tungkol sa makeup noon, at kaya naman inulit niya ang cosplay ng character na ‘yun matapos ang 10 taon para mabigyan ito ng hustisya.
Maaring tignan ng mga fans ang mga unang cosplays nina Hakken, Knite, at Shunsuke sa kanilang mga Instagram accounts.
Sundan ang ONE Esports sa Facebook para sa karagdagang cosplay, esports, at anime news.