Inilabas ng Riot Games ang unang sulyap sa limited edition VCT 2022 Masters Reykjavík Aurora-01 hoodie bago pa man ang Stage 1 Masters na magaganap nitong April.
Walang Aurora-01 hoodie ang magkatulad dahil bawat isa ay hand-dipped na may natatanging pattern at purple gradient, ayon sa Riot games. Tampok din sa pullover ang mga puff print logos ng VCT spark sa harap at VCT 2022 Stage 1 Masters monogram naman sa likod.
Ang hoodie na ito na yata ang pinakaswabeng Valorant merchandise na ibinagsak ng Riot Games at siguradong pipila ang mga fans sa kanialng mga PCs para makakuha ng isa.
Saan mabibili ang limited edition VCT 2022 Masters Reykjavík Aurora-01 hoodie
Sobrang limitado lamang, 500 piraso ang naging available noong March 31 sa official merchandise website ng Riot Games. Ang sale ay nagsimula bandang 10 a.m. PST | April 1, 1 a.m. GMT +8.
Ang mga ilang masuswerterng makakakuha ng hoodie ay magiging bahagi ng Valorant history, dahil ang hoodie ay ibibigay din bilang eksklusibong regalo para sa mga competitors na nag-qualify para sa unang Masters event ng taon.
Hindi ito ang unang pagkakataon na naglabas ang Riot Games ng merchandise upang gunitain ang kanilang pinakamalaking Valorant tournament. Noong nakaraang taon, iniolabas nila ang limited edition Champions 2021 apparel collection, na may t-shirts, mga hoodies, at dalawang caps.
Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.