Naisip mo na ba kung ano ang magiging itsura ng Spectrum Phantom skin mula sa kakaiba at nag-iisang Valorant collection ni Zedd sa totoong buhay? Isang Filipino crafter ang bumuo ng isang life-sized replica ng weapon na ito.
Ibinahagi ni Amado Carl Hernandez sa ONE Esports kung paano siya nagsimulang lumikha ng mga cosplay props, at kung bakit niya napagpasyahang gawin ang Spectrum Pahntom skin.
Nagsimula ang Filipino crafter na si Amado sa paggawa ng mga cosplay props
Bilang isang gamer na lumaki sa sa paglalaro ng iba’t-ibang console games, inubos ni Amado ang kanyang oras sa mga RPGs at JRPGs. Tapos ay lumipat siya sa mga PC game titles tulad ng Counter-Strike, Warcraft, at Dota, na lalong nagpatibay ng kanyang hilig sa gaming.
Nagsimula maging isang crafter si Amado noong 2008 sa paglikha ng mga weapons gawa sa kahoy at papel. “I really love making weapons and props, especially from video games,” bahagi niya. “There is really something about video game weapon design that makes me want to see them come to life.”
Kung isa kang masugid na fan ng Final Fantasy tulad ni Amado, kailangan mong makita ang ginawa niyang Crimson Saber mula sa Final Fantasy Brave Exvius. Isa itong project na commissioned ng Square Enix at isang dream come true para sa talentadong Filipino crafter.
Paano nilikha ni Amado ang replica ng Spectrum Phantom skin
Nagsimula ang Spectrum Phantom project nang lumapit ang walang iba kung ‘di si Riley “Witz” Go ng Team Secret kay Amado upang gumawa ng replica ng skin. Matatandaan si Witz dahil sa kanyang mga iconic Filipino dance moves na umaliw sa mga fans noong Valorant Champions 2021.
Naintriga si Amado sa color-shifting nature ng collection, na naging resulta ng collaboration sa pagitan ng Riot Games at ng sikat na Russian-German DJ na si Zedd.
“I really love challenges and at the time it was something that hadn’t been done yet,” sabi ni Amado.
Mahaba at hindi naging madali ang proseso ng pagdala ng Spectrum Phantom mula sa game papunta sa tunay na buhay. Unang pinlano ni Amado ang lahat gamit ang Autodesk Fusion 360, na tumagal ng 36 oras. Tapos ay na-3D print ang mga designs gamit ang fused deposition modeling (FDM) at stereolithography (SLA), isang mas mahabang proseso na tumagal ng isang buong linggo.
Panghuli ay pininturahan ni Amado ang weapon gamit ang acrylic paint, na inabot ng apat na araw upang makuha ang eksaktong itsura ng weapon. Ang Zedd Spectrum Phantom skin ay may kasamang remote-controlled RGB LED light na nagpapalit-palit ng kulay, tulad ng nasa game.
Kung gusto niyong makita ang iba pang gawa ni Amado, bisitahin lamang ang kanyang official Facebook page.
Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.