Pasok ang EVOS Legends sa upper bracket ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League Indonesia Season 11 (MPL ID S11) playoffs matapos ang i-reverse sweep ang Geek Slate.
Unang nakalamang sa serye ang koponang pinangungunahan ng Filipino import na si Allen “Baloyskie” Baloy, ngunit bigo silang masara ang serye hindi nila nagawa na manalo sa huling tatlong laro ng laban.
Dito maagang natuldukan ang kauna-unahang kampanya ng organisasyon sa playoffs ng liga.
- OhMyV33nus ibinahagi ang kanyang Estes build
- ECHO Sanford ibinahagi ang kanyang Lapu-Lapu build para sa EXP lane
Janaaqt, inuhaw ang Ling ni Tazz gamit ang Tankcelot
Sa unang laro, ipinakita ng Geek Slate ang kanilang aggressive playstyle sa pamamagitan ng pagsakop sa jungle ng EVOS Legends. Inuhaw ni Jaymark “Janaaqt” Lazaro ang Ling ni Darrel “Tazz” Wijaya sa buff. Ito ay nagbigay ng malaking advantage kay Janaaqt sa early game, kaya’t mas madali para sa Filipino jungler na mag-invade at mag-obtain ng objectives para sa kanyang team. Nanguna ang Geek Slate sa unang laro at nanalo ito sa minute 17 na may score na 8-3.
Sa pangalawang laro, na-dominate ng EVOS ang early game at nakakuha ng ilang crucial kills. Mainit ang naging sayawan ng dalawang koponan sa may Lord pit. Bagamat kilala bilang isa sa mga mahuhusay mag-retri, hindi naka-agaw ng objective si Tazz kay Janaaqt.
Solido rin ang mga hatak ng Kaja ni Baloyskie. Tiyak kasing nauuwi sa kill ang paggamit niya ng Divine Judgment kaya napapadali rin ang trabaho ni Janaaqt sa pagselyo ng objective. Nakamit ng Geek Slate ang kanilang panalo sa ika-20 na minute na may score na 13-20.
Pag-snowball ng EVOS Legends, bigong mapigilan ng Geek Slate
Katulad ng pangalawang laro, nakontrol ng EVOS ang early game. Pero ngayon, nakayanan ni Rizqi “Saykots” Iskandar at kanyang koponan na mapanatili ang kanilang lamang para hindi na makabawi ang Geek Slate.
Kahit katapat ang Joy, Yve, Lancelot, at Grock, hindi pa rin naipanalo nina Baloyskie ang karamihan ng mga team fight. Ito ay nagpabigay-daan sa EVOS mapalaki pa ang kanilang kalamangan at maselyo ang una nilang panalo sa serye.
Sa ika-apat na laro, muling nakuha ng Geek Slate si Joy, na isa sa mga pinaka-contested na hero hindi lang sa MPL ID, kung hindi maging sa MPL Philippines. Sa kabila nito, hindi naging sapat ang hero para makuha nila ang panalo at maka-alpas mula sa play-ins.
Muling nahawakan ng EVOS ang kalamangan sa early game dahil sa tamang pag-target ng pipitasin. Matagumpay na naapektuhan ng White Tigers ang kalaban, lalo na sa mga bakbakan para sa mga neutral objectives.
Hindi naman lubos na nagpakampante ang EVOS at maingat na nilaro ang kanilang kalamangan. Pinatunayan nila ang disiplina sa laro at apra masigurong mapapasakamay nila ang tagumpay matapos ang 17 minuto ng bakbakan at kill score na 11-2.
Sa kabila ng Joy picks, Geek Slate bigong puksain ang EVOS Legends
Sa ikalimang laro, muli na namang nakuha ng Geek Slate ng Joy sa pangatlong sunod na pagkakataon para sa EXP laner nilang si Luke “LUKE” Valentinus. ‘Di rin naman talaga kasi biro ang pasakit na nadudulot nito sa backlines, dagdag pa ang dami ng dashes nito kaya mahirap i-punish.
Pero matapos ang tatlong mapa, tila gamay na ng EVOS kung paano ito laruin. Nakuha na nila ang tamang pag-punish sa mga pagpasok ni LUKE, dahilan para magdulot pa ito ng pinsala sa Geek Slate.
Naging mahirap para sa kanila na makaalis sa pressure na ibinibigay ng EVOS dahil sa ganitong kalagayan. Wala silang masyadong magandang pagkakataon para magbaligtad ng sitwasyon, maliban sa ilang pagkakataong kung saan matagumpay nilang nadepensahan ang pag-push ng White Tigers sa loob ng kanilang base.
Sa kabila ng kanilang kalamangan, kinailangan pa rin ng EVOS na mapa-abot sa 24 minuto ang bakbakan bago maselyo ang tagumpay sa serye at mailaglag ang Geek Slate.
Para sa karagdagang esports balita, guides, at highlights, i-follow lang ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
BASAHIN: 3 best hero counter para kay Vexana sa Mobile Legends