Malimit na ang pagkakataon na nagniningning sa MLBB pro play sa Pilipinas ang healer mains lalo’t pumapabor ang meta ngayon sa initiatiors at crowd control heroes sa roam. Ngunit sa gumulong na Week 7 ng MPL Philippines Season 11, pinatunayan ni Jonmar “OhMyV33NUS” na hindi nakadepende sa meta ang gilas niya sa paghawak ng support heroes.
OhMyV33NUS pinangunahan ang Blacklist sa 2 sweeps sa Week 7
Pinatunayan ng The Queen kung bakit isa sa mga tinitingalanng support players sa buong mundo nang pagulungin niya ang bagong bersyon ng Ultimate Bonding Experience (UBE) para tulungan ang kaniyang Blacklist International na makalawit ang tagumpay sa dalawang serye.
Habang patuloy ang tangka ng Blacklist na depensahan ang kanilang MPL Philippines korona, nanatiling angkorahe ng koponan ang healing-galing ni Momshoes, paraan para hirangin siya bilang Razer Gold Player of the Week sa Week 7.
Nagtala ng halimaw na mga numero si OhMyV33NUS na kinabilangan ng 9 average assists at 83.64% Kill Participation sa pagpapadapa ng Blacklist sa ONIC Philippinesn at RSG Slate Philippines.
Bago’t-luma ang ipinakitang hero picks ng kapitan nang isalang niya ang Floryn at Estes picks sa mga kinatampukang match para pagtibayin ang kanilang posisyon sa pagkuha ng isa sa dalawang upper bracket slots sa playoffs.
Bagamat 2-0 sweep ang inihandog ng 28-anyos gamit ang kaniyang signature Estes kontra RSG, batid daw niyang kaya pa niyang paigihin ang kaniyang performance sa susunod.
“It’s a 5 out of 10 for me. Para sa akin kasi hindi pa yun yung [best] game ko,” pahayag ni OhMyV33NUS na nakatakdang makatanggap ng isang Razer Blackshark V2 galing sa Razer Gold.
Nalamangan ng batikang support player ang kapwa Blacklist pro na si Edward “EDWARD” Dapadap, si David “FlapTzy” Canon ng Bren Esports at ang Week 6 winner an si Ben “Benthings” Maglaque ng TNC.
Ang lingguhang gantimapala y pinagbobotohan ng print at online media na nag-uulat tungkol sa MPL Philippines, kasama na ang broadcasters at operations team ng liga.
I-like at i-follow ang Facebook ng ONE Esports Philippines para sa iba pang balita ukol sa MPL PH!